Jaya
Gaya Ng Dati
[Verse 1]
Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning

[Refrain]
Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas

[Verse 2]
'Di ba't noon, samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin
'Di ba't noon, takbo ng oras ay 'di mo napapansin
Laging naglalambing

[Refrain]
Ngunit ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal Ko ba'y kailangan pa?
Oh-oh-oh, ooh-oh, oh

[Verse 3]
Dati-rati, mga pangako mo'y panindigan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
'Di ba't noon, sa kaibigan mo'y
Ako ay bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig?
[Chorus]
'Di mo alam, Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Naghihintay, oh-ooh-oh

[Post-Chorus]
Ako'y naghihintay
Lumapit ka't Ako'y naghihintay

[Pre-Chorus]
'Di ba't noon
Ang sabi mo'y walang hanggan?

[Chorus]
Hindi mo alam, Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay

[Verse 4]
Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay ko sa 'Yo
Gamitin Mo ako gaya ng dati hmm, hmm

[Outro]
Gaya ng dati