Jaya
Tingnan Mo Ang Aking Byuti
[Intro]
Ahhhhh!

[Verse 1: Jaya]
Tignan mo nga ang aking byuti
Mukha na akong tsinuging bubuli
Sinong doktor magreretoke?
Suso't ilong wala nang korte

[Annie Nepomuceno, Cecille Aurellado & Sheila Francisco]
Huwag ka nang mabahala, meron pang pag-asa
May sagot ang siyensiya, konting tiis, sultana na

[Verse 2: Jaya]
Pangarap ko pa namang mag-esti
Paano na 'to, hindi na ako seksi
'Di na ako makakapag-kunwari
At sinong lalaki ang magkakamali

[Annie Nepomuceno, Cecille Aurellado & Sheila Francisco]
'Di mo na kailangang magpadyeta-dyeta
Dahil ika'y nabawasan ng ilang pulgada

[Verse 3: Jaya]
Kapatid, ako ay iyong iganti
Wala na akong maipagmamalaki
Parusahan ang dalawang lalaki
Ibangon mo ang aking puri, yeah
[Annie Nepomuceno, Cecille Aurellado & Sheila Francisco]
Wah, wah, wah, wah, wah, wah

[Outro: Jaya, spoken]
Ah, wala na, wala na, wala...

[Jaya, Annie Nepomuceno, Cecille Aurellado & Sheila Francisco]
Wahwah!