Kiyo
Shineboi
Ohh Shining lang palagi
Ohh Kahit san pa magawi
Ohh bibigay ang akin
Ohh di na ako manghihingi
Ohh Shining lang palagi
Ohh Kahit san pa magawi
Ohh bibigay ang akin
Ohh di na ako manghihingi
Ohh makamtaman ko man lang kahit na halik mo sa pisngi
Ohh lam ko na kaya ko
Ohh bakit di ko pa gawin

Importante ang oras
Dami ko na ngang sinayang
Dami na rin ng nangyari
Sa isip ko nga lang
Dami ko na rin na utang gusto lagi na magbawi
Madalas sagot ko Oo
Di alam ang hindi
Kayang lumakad magisa kahit daming katabi
Alam kong madalas mo na marinig
Masyadong mabilis ang lahat
Pwede bang sandali
Andaming iniisip di alam uunahin 'pag
Tinanong di makasalita tunog parang bulong sa hangin
Pero salamat kasi mabait pa din sa akin ang langit
Aking paa nasa lapag kapag kinanti ay mandadagit
Madalas nauutal akala palagi ako ang dahilan
Ohh
Ohh Shining lang palagi
Ohh Kahit san pa magawi
Ohh bibigay ang akin
Ohh di na ako manghihingi
Ohh makamtaman ko man lang kahit na halik mo sa pisngi
Ohh lam ko na kaya ko
Ohh bakit di ko pa gawin

Hindi patas ang mundo nakita ko na lahat to sa baba
Kailangan laging mapusok sa mali ng iba ako nadala
Sorry Ma lagi lang ako sa kwarto pero tignan mo san tayo ngayon dinala
Gusto ko maging ugat
Ayoko maging sanga
Wag nyo ko gawing tanga
Bata palang ako eh alam ko na
Kaya ko maging isa kabilang ng mga bituin na tinitingala
Bling!
Salamat nagbunga dating tanim ko at
Pumalit ang asul na papel barya ko sa bulsa na puro tagsisingko at
Ayoko na ngang bumalik
Ayoko nang bumalik
Ayoko nang matulog sa sahig
Magbabanig lang kapag may kubo na sa baler at
Paligid at isip di na magulo
Kala ko dati wala nang kasunod
Ang tagal na ng tinik hindi na takot sa kidlat at kulog
Araw araw lagi lagi lang ballin
Kita mo kahit hindi mo izoomin
'Di lang sa metro pangalan ko boomin
Mag-hi pag kita mo kaming nagshoshooting
Napaso ng one time hindi na naulit
Mga tumawid sa puso nakaukit
Kapag naghintay alam mo na kapag kay kiyo ay sulit
Scent nya naiwan sa fave ko na hoodie
Di na natapos ang movie
Umibig na para bang first time
Boss na tawag ng dating mga bullies
Madalas nauutal
Akala palagi ako ang dahilan
Ohh
Ohh lam ko na may kulang kahit ako'y magaling
Ohh di mo mapapansin
Ohh di mo rinig humikbi
Ohh dami nang nagbago pero dating gawi
Meron ako ng akin na 'di mo mabibili