Kiyo
Ano Na?
[Verse 1: Calvin De Leon]
Sa paggising ko tila himig mo ang bungad ng araw ko
Pagmulat ng mata, jusko, 'eto may muta pa ako, ugh
Teka, ano na nga ba? Sa'n na ba papunta?
Lungkot nang buhay ko'y talagang grabe na
Hanggang saan ba aabot ang panaginip ko?
Sa isang babaeng umaalon ang kaniyang buhok
Para bang gusto ko na tumakas talaga (Saan?)
Sa isang bangungot na binuo ko nang mag-isa
Habang ako'y papatulog na dapat na nang mahimbing
Ako'y napapraning at napapailing
Sa mga bagay na iniisip ko sa tuwing ako'y nababato
Bakit gan'to naninigas ang ulo ko?
Tumayo na lang bigla ang aking buhok
Tila ba parang may isang babae na nakatayo sa sulok
At 'di na makalagaw ang aking nararamdamdam
Na para bang may humahaplos na sa aking mga tiyan

[Hook: Calvin De Leon]
Kasabay nito'y hawak ko na
Ang isang mainit na, uh, isang tasang kape
Bakit gan'to ba, pre? Hindi mapakali
Sa tuwing ako'y nag-iisa wala na akong pake

[Interlude: Kiyo]
Woah, gano'n, gano'n ba?
'Eto teka lang, uhm
Sige, sige, 'eto na 'ko
[Verse 2: Kiyo]
Para kang bahaghari sa liwanag iyong nadali
Kung hindi ikaw ang pinangako
Mabuti na lang na maging isang pari
Sa kamandag na taglay ay grabe
Walang sinabi mga babae sa karilagan
Kapag dumaan, kasalanan ko na naman
Dahil naakit sa pula mo na labi
Sana nakatitig ka sa'kin palagi
At sa pagdilat sa umaga tinig mo ang panggising sa'kin `
Na parang pelikula, 'di na kailangan mag-cinema
Ikaw ang buong istorya
Sabay boses mo ang nagsisilbi na musika
Sining sa museo na tanging Diyos lamang ang nagpinta
Nakita kita na parang anghel, para sa'kin at hindi sa iba
Ang hirap na magbida, ang isa na extra
Sa litrato na 'di para sa kaniya, wala na 'kong masabi