Kiyo
Urong Sulong
[Intro: Producer]
You are the one!
Alisson!

[Chorus: Alisson Shore]
Bakit ba kung kailan kaya'y naisip na?
Bibitawan, ikaw 'yung paraiso, 'di ba?
'Wag ka nang mag-alinlangan sa'tin
'Di ka iiwanan, ikaw 'yung tahanan, 'di ba? ('Di ba?)
Kahit sa'n man tayo magpunta
Tinadhanang magkikita ('Di ba?)
Kung ang oras man ay humadlang pipiliting balikan

[Verse 1: Kiyo]
Alas dose ng gabi, dilat pa din ating mata
Kahit hindi magkatabi, kahagkan pa din kita
Sulyap ko, mga ngiti mo magmula sa kabila
Ramdam ko din ang takot dahil ikaw ay nagdududa
Kung sigurado ka ba sa'kin
Kung dapat bang ikaw ay maging akin
At lahat ay isugal sa 'di tiyak na tatahakin mong landas
Iniisip na lahat ng 'to ay matatapos at biglaan na lang kukupas
Pagdating ng panahon, aakalain ay ikukulong sa kahon
Iiwanan 'pag nagkaroon ng pagkakataon
Kahit problema'y mala-ambon lang, aba mali ka kung gano'n
Hinding-hindi ko sa iyo magagawa iyon
Kaya sa'kin na lang itugon ang pansin
Pagtingin ko sa'yo ay walang kahambing
[Chorus: Alisson Shore]
Bakit ba kung kailan kaya'y naisip na?
Bibitawan, ikaw 'yung paraiso, 'di ba?
'Wag ka nang mag-alinlangan sa'tin
'Di ka iiwanan, ikaw 'yung tahanan, 'di ba?

[Verse 2: Kiyo]
'Di ka pinipilit maniwala pero alam ko ramdam mo
'Di ba, tama, tamang hinala kapag kasama
Oo, kakaiba mga gulo sa isip mo'y 'di alintana
Kaya 'wag mababahala na sumama sa'kin
Sabay ka lang sa byahe, 'wag kang bababa
Sa'kin magtiwala ka, matakot man gano'n lang talaga
Sasaluhin kita, dadalhin kita, ipapasan ka sa likod
Kapag napagod ang paa

[Bridge: Alisson Shore & Kiyo]
Hindi ka mananalo, kung hindi ka susugal sa laro ng puso
At lalong hindi kita sasalubungin para lang sumalungat
At iwan kang mag-isa sa mundong mapaglaro
Alam ko na gusto mo din kaya 'wag kang magbibiro
Malilito, dahil tunay ang pag-ibig ko

[Outro: Alisson Shore & Kiyo]
Kahit sa'n man tayo magpunta
Tinadhanang magkikita ('Di ba?)
Kung ang oras man ay humadlang pipiliting balikan ('Di ba?)
Kahit sa'n man ako magpunta
Tinadhanang magkikita ('Di ba?)
Kung ang oras man ay humadlang pipiliting balikan