Unique Salonga
Dambuhala
[Verse 1]
Lahat ay nakaabang
Sa tuwing ako ay dumaraan
Ang matipunong kaanyuan
Ko’y patingalang pinagmamasdan
Abot man ang aking kamay
Kailanma’y hindi tayo magkapantay
Kahit na walang humpay
Pang patumbahin ay ‘di mamamatay

[Interlude]

[Verse 2]
Lahat ay umaatras
Pagyanig ay lalo pang lumalakas
At wala nang makaliligtas
Sa mga yabag, kayo’y magwawakas
Abot man ang aking kamay
Kailanma’y hindi tayo magkapantay
Kahit na walang humpay
Pang patumbahin ay ‘di mamamatay

[Interlude]