Unique Salonga
Ilaw Sa Daan - Live from Wish 107.5
[Intro: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Mga ulap ay nag-iipon
Ng luhang ibubuhos sa ilalim nila
At tayo ay nababasa ng ambon
At ang mahina ay sisilong na sila
At may papasok sa iyong isipan na mahirap tanggalin
Na kahit na umiwas ka'y alam mo na mababasa ka rin
Kaya iyong nadarama, pilit mong dinadaanan
At parang alaalang 'yung hinding-hindi mo maiwasan

[Verse 1: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako'y nakatingin sa kawalan, hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin na naka-ipit sa gitna at pang-bituin

[Pre-Chorus: Unique Salonga & Zild Benitez]
Tuloy-tuloy
Sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo

[Chorus: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
[Verse 2: Zild Benitez]
Mga tao sa daan, sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin

[Pre-Chorus: Unique Salonga & Zild Benitez]
Tuloy-tuloy
Sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo

[Chorus: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw

[Bridge: Unique Salonga & Zild Benitez]
Wooh-ooh, ooh
Wooh-ooh, ooh
Wooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

[Chorus: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw
[Outro: Unique Salonga, Unique Salonga & Zild Benitez]
Kung makikita mo naman
Tumatalon, sumisigaw
Hindi mo na mapipigilan
Sulitin mo ang buong gabi