Unique Salonga
Lamang Lupa
[Verse 1]
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Katotohanan ay ayoko munang harapin!
Gusto ko lang namang makalimutan ang
Dala-dalang problema kahit pansamantala!

[Verse 2]
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Lumalabo't, umiikot ang aking paningin!
Akala ko'y patungo na 'ko sa taas
Ayoko sa ilalim oh, 'kay hirap pumiglas!

[Verse 3]
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Ang kadilima'y mahigpit ang yakap sa akin
Limot na alaala ay bumabalik
At kalungkutang walang tigil sa pananakit!

[Verse 4]
Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Pakiramdam ay parang nasa dulo ng bangin!
Ang kamatayan ba'y nasa 'king likuran?
Oras na ba? Heto na ba'ng aking katapusan?