Kung ’Di Na Ako

Kitang kita sa iyong mata

Na 'di na ako mahalaga

Ramdam ko sa iyong mga hawak

Na meron kang binabalak

Haplos na kay lamig

Tikom na mga bibig

Wala na ba talagang pag-ibig?



Kung 'di na ako

Kung 'di na ako ang

Magpapatibok ng puso mo

Paalam na, paalam na

Kung 'di na ako

Kung 'di na ako ang dahilan

Ayoko na tayong mahirapan pa

Paalam na



Wala ng init ang iyong yakap

Mauudlot na ang mga pangarap

Mga halik na kay tamis

Hindi man lang dumadaplis

Sana 'di na magtagal

Kayanin ng dasal

Nasaan na ba ang pagmamahal?



Kung 'di na ako

Kung 'di na ako ang

Magpapatibok ng puso mo

Paalam na, paalam na

Kung 'di na ako

Kung 'di na ako ang dahilan

Ayoko na tayong mahirapan pa

Paalam na



Di na kita pililitin pa

Kung talagang ayaw mo na

Basta tandaan mo

Mahal kita

Hindi ka na kailangan mahirapan pa

Ako na lang Malaya ka na



Kaya pa ba?

Ipaglalaban pa ba?

Di pa nga nag-uumpisa

Sumuko ka na

Nasayang ang lahat

Tinapon mo nalang

Pinagsamahan nating dalawa

Binalewala



Kung 'di na ako

Kung 'di na ako

Nagpapatibok ng puso mo

Paalam na, paalam na

Kung 'di na ako

Kung 'di na ako ang dahilan

Ayoko na tayong mahirapan pa

Paalam na