Lin-Manuel Miranda
Kayo
[Verse 1: Mirabel]
Tahanang 'to, kailanga'y pagbabago
Mahirap nga lang, pero kaya, 'di ba?
Ating pamilya, buo at nandirito
Mga bituin na nais lang na kuminang
Ngunit tala'y aapoy
Babaguhin ang langit
Ang buhay may saysay
Kahit walang husay

[Verse 2: Abuela]
Patawarin dahil nagkulang
Higpit, dala ng takot ko
Milagro ay hindi ang mahika ninyo
Milagro ay kayo, galing ko'y kayo
Milagro ay kayo

[Chorus: Ensemble]
Ay kayo, ay kayo

[Interlude: Camilo, Antonio & Bruno]
Ang kaso, 'wag daw ikuwento si Bruno (Siya si Bruno!)
Ako nga, daming kwwento nga 'tong si Bruno
Gan'to kasi

[Verse 3: Bruno, Félix, Julieta]
Pepa, patawad sa kasalan, nauwi man sa asaran
Hindi ka hinulaan, biro lang ang sinubukan
Eto'ng sasabihin ko, nasa puso ko kayo
Lagi 'yan, promise 'yan, umulan, bumagyo, ako 'to!
'Yun na nga ang sabi ko, tol
Hihingi lang ng pasensiya sa inyong lahat
'Wag (Uh—) Kay saya na narito ka na
(Uh—)
[Verse 4: Pepa, Agustín, Julieta, Pepa & Julieta & (Dolores)]
Labas sa lungga
Kahapon ay limot na
Ano man ang mangyari, magkakasama na
(Alam kong narito siya, dinig ko lagi siya)

[Bridge: Ensemble, Abuela & Antonio]
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh (Sa'n galing 'yon?)
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh ('Yung mga tao yata sa baryo)
(Hey!)

[Verse 5: Ensemble]
Pasanin niyo (Pasanin niyo)
Eto na ang tutulong (Eto na ang tutulong)
Walang galing ngunit marami
Karamay lagi sa inyo

[Verse 6: Isabela, Ensemble, Luisa, Isabela & Mirabel]
Kay saya na nagtutulungan (Sa inyo, sa inyo)
Lakas mo, iyakin lang minsan (Sa inyo, sa inyo)
Ako man

[Verse 7: Luisa, Isabela, Isabela, Luisa & Mirabel]
Bawas ang lakas pero natututo
Pataba, araw kailangan
Tara, itanim na ito, lalaki agad
Langit, do'n natin 'tungo
[Bridge: Isabela, Luisa & Mirabel, Julieta, Agustín]
Tala'y aapoy
Ng pagbabago
Lilipas panahon
'Di na bata ang 'yong bunso
Nagmana sa 'yo

[Interlude]
[Mariano] Hay
[Mirabel] Hoy, Mariano, lungkot mo
[Mariano] Kasi nais lang na magmahal
[Mirabel] Alam mo, may pinsan naman ako
Kilala mo si Dolores?
[Dolores] Sige, salamat, 'insan, tabi!

[Verse 8: Dolores, Mariano, Isabela & Mirabel]
Ang ingay mo
Alaga mo ang nanay mong bilib sa iyo
Tula ang sinusulat mo
Hanggang dalawin ng antok
Ayoko nang maghintay pa
Ako ay pansinin mo na
Dolores, ikaw ang nakikita ko
Ikaw naririnig ko
Ayos!
[Chorus: Ensemble, Mariano & Dolores]
Sa inyo, sa inyo ('Pakasal na tayo? Ang bilis mo!)
Sa inyo, sa inyo

[Verse 9: Mirabel, Abuela, Bruno & Antonio]
Tahanang 'to, gusto ko'ng pagbabago
Hindi perpekto
Tayo rin naman! Totoo 'yon!
May kulang pa, 'wag muna magdiriwang (Ano po?)
Ating pintuan
Ginawan ka namin ng busol

[Bridge]
[Camilo, Dolores, Pepa & Félix] Damhin ang 'yong apoy
[Isabela & Luisa] Ang tapang at husay
[Julieta & Agustín] Galing na angkin mo
[Bruno] Ikaw nga ang milagro namin, buksan mo na
[Abuela] Dilat ka na

[Outro: Abuela & Mirabel]
Abre los ojos
Ano'ng nakikita mo?
Nakikita ko, ako
Ako nga