Lin-Manuel Miranda
Wag Ikuwento Si Bruno
[Chorus: Pepa]
'Wag ikuwento si Bruno, no, no, no
'Wag ikuwento si Bruno, pero

[Verse 1: Pepa & Félix]
No'ng kasal namin nga (No'ng kasal namin nga)
Ang lahat handa na, at ang araw ay sobrang ganda ('Lang ulap kahit isa)
Bruno biglang dumating, ngumisi (Kulog)
Ikaw na magkuwento, sige na (Ikaw na, sorry na, mahal)
Sabi niya ay uulan (Ba't niya sinabi?)
Ang isip ko'y naguluhan (Kunin ang payong, Abuela)
'Sang bagyo ang dumaan (Natuloy kasalan, 'yon nga lang)

[Chorus: Pepa & Félix, Dolores]
'Wag ikuwento si Bruno, no, no, no
'Wag ikuwento si Bruno (Hoy)

[Verse 2: Dolores & Camilo]
Lumaking takot kay Brunong uutal-utal at
Lagi siyang naririnig nagbulong-bulong
Na para bang buhangin sinasaboy nang sadya (Ts, ts, ts)
Tila ba hirap sa galing niya't husay
Kakaba-kaba na si Abuela at pamilya
Pangitain niya na 'di na maintindihan
Kuha mo naman?
Sobra niyang tangkad, may dagang dala
'Pag tinawag ka, dilim nang bigla
Binabasa rin bangungot, lihim
(Hey)
[Chorus: Pepa, Félix & Camilo, Dolores]
'Wag ikwento si Bruno, no, no, no ('Wag ikwento si Bruno, no)
'Wag ikwento si Bruno ('Wag ikwento si Bruno)

[Verse 3: Ensemble, Señora Pezmuerto, Osvaldo & Townsperson 3]
Isda ko raw mamatay
Patay nga 'yan ('Wag, 'wag)
Ang sabi niya ay tataba
Kaya bundat na ('Wag, 'wag)
Ang sabi niya, buhok magtatampo
Ayan, lagas na ('Wag, 'wag)
Wala nang takas 'pag nanghula na siya

[Verse 4: Isabela, Abuela & Dolores]
Sabi niya, ang aking mithiin
Ay ibibigay, matutupad
Sabi niya, lakas ko uusbong
Parang baging na lumantad
Óye, Mariano, eto na
Sabi niya, tunay na pag-ibig
'Di raw para sa 'kin, iba ang sinuyo
Tinig ba niya'ng rinig ko? (Ikaw)
'Wag ka sanang manggugulo (Parang siya na nga'ng dinig ko)
Siya na nga ba 'yon?

[Verse 5: Mirabel, Camilo, Abuela & Isabela]
Uhm, Bruno
Teka lang, si Bruno
Kailangan kilalanin si Bruno
Aalamin totoo, oh Bruno
Isabela, dito na siya!
Oy, ang mesa!
[Verse 6: Pepa, Félix, Dolores, Isabela, (Camilo) & (Abuela)]
No'ng kasal namin nga, ang lahat handa na; No'ng kasal namin nga
Lumaking takot kay Brunong uutal-utal at lagi siyang naririnig nagbulong-bulong
Sabi niya, ang aking mithiin
(Sobra niyang tangkad, may dagang dala)

At ang araw ay sobrang ganda; 'Lang ulap kahit isa
Na para bang buhangin sinasaboy nang sadya (Ts, ts, ts)
Ay ibibigay, matutupad
('Pag tinawag ka, dilim nang bigla)

Bruno biglang dumating, ngumisi; Kulog
Tila ba hirap sa galing niya't husay, kakaba-kaba na si Abuela at pamilya
Sabi niya, lakas ko uusbong
(Binabasa rin, bangungot, lihim)

Ikaw na magkuwento, sige na; Ikaw na, sorry na, mahal
Pangitain niya na 'di na maintindihan
Parang baging na lumantad, lantad
(Óye, Mariano, 'eto na)

Sabi niya ay uulan; Ba't niya sinabi?
Sabi niya, tunay na pag-ibig
Sabi niya, ang aking mithiin
(Sobra niyang tangkad, may dagang dala)
Ang isip ko'y naguluhan; Kunin ang payong, Abuela
'Di raw para sa 'kin, iba ang sinuyo, sinuyo
Ay ibibigay, matutupad
('Pag tinawag ka, dilim nang bigla)

'Sang bagyo ang dumaan; Natuloy kasalan
Ayos lang, ayos lang, ayos lang, ayos lang
Ayos lang, ayos lang, ayos lang, ayos lang
(Binabasa rin, bangungot, lihim)

[Outro: Ensemble & Mirabel]
(Hey) Heto na!
'Wag ikuwento si Bruno
Bakit hinanap si Bruno?
'Wag ikuwento si Bruno
'Di dapat binanggit si Bruno