Lin-Manuel Miranda
Pag Nagigipit
[Intro]
May lakas at mayro'ng tibay
Na hindi bibigay, walang ngalay
Bundok man o ang simbahan
Yayanig sa aking kakisigan
Sa trabaho, 'lang reklamo
May balat-kalabaw, 'alang kaso
Hiyas at diyamante, hanapin, patagin
Walang uurungan, durog, 'lang atrasan

[Verse 1]
Pero kung aaminin
Tumutulay sa alambreng kay nipis sa perya't sirkus
Kung aaminin
Si Hercules, umatras ba? "'Yoko nga d'yan kay Cerberus"
Kung aaminin
Parang wala 'kong kuwenta kung 'lang matutulungan

[Pre-Chorus]
Kung may duda man at uurong lang
Kapag sumobra na bigat nitong dala 'pag

[Chorus]
Siya'ng nanggigipit-pit-pit ng damdamin ko, whoa
At tinitiis din, din ang dalahin ko, whoa-oh-oh
Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho
Kaya niya'ng pasanin niyo, sigurado
May silbi ba kung kokontra ako?
Kung uurong
Sa panggigipit-pit-pit ng damdamin ko, whoa
At tinitiis din, ding 'wag sumabog ako, whoa-oh-oh
Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho
May itatagal pa siya, sigurado
May silbi ba kung kokontra ako?
At manghina
[Verse 2]
Kung aaminin
'Pag may kaba, lalala, at takot, may masasaktan nang sobra
Kung aaminin
Hindi aatras kahit na panganib, nand'yan na
Kung aaminin
Hanggang kailan ko kayang buhatin buong bayan?
Ayusin man ito, eh, may bagyo
Pilitin mang pigilan pa, paulit-ulit lang

[Bridge]
Sana, kung pwede lang kahit minsan
Pasanin ay bitawan at dagling sasaya
'Di mapapagod 'tong aking puso
At 'di susuko, maaabuso
'Wag muna, 'wag lagi nang makabawi

[Chorus]
Sa panggigipit-pit-pit na nadarama, whoa
At tinitiis din, din na dalahin pa, whoa-oh-oh
Ate mo na lang, 'di nasasaktan 'yan
Kahit na ano ay 'di niya iiwasan
Kahit mangalay saglit o manginig
Titindig at
'Di pagigipit-pit-pit sa damdamin ko, whoa
Kayang tiisin, 'ding-'ding-'di sasabog ito, whoa-oh-oh
Ate mo na lang, 'wag ka nang magduda
'Di mo kaya, tiyak ako, nagagawa niya
Kung walang lakas, wala ring silbi
Kahit gipit, magpakamatibay