King Badger
Singsing
[Intro: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay (Oh, woah)
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto

[Verse 1: Bosx1ne]
Ibang-iba ang dating, kahit saan pa tumingin
Walang kapares ang ganda parang mga bituin
Ang lambing ng kilos, madaling mahalin
Siya ay dyamanteng makinang, ang hirap niyang abutin
At siya'y isang dalaga, pangala'y Esmeralda
At sa buong barkada, siya lang ang naka-chamba
Na matupad ang pangarap niya na kasal
Kaso pang komersyal lang, lahat pang-TV literal
Kung tawagin silang magbabarkada ay "Bicol Ladies"
At siya ang pinaka-hot sa grupo, no one's against it
Pero lahat may katanungan, kung bakit kadalasan
Ang gusto, hindi pa ang kapalaran

[Chorus: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto
[Verse 2: Emcee Rhenn]
Pa-pa-pa-pakinggan ang istorya nitong si Ruby
Tipo ng babaeng hindi basta tipikal lang
Top of the class at 'di siya nagpapahuli
Pero gaya nang iba na meron ding napagdaanan
Siya'y dalagang matalino na tapos sa medisina
Malawak ang isip niya ngunit may pagkataklesa
Minsan ay umasang balang araw makasal
Sa isang tao na pinangarap at lubos niyang minahal
Ngunit 'di niya inakalang dadanas ng kabiguan
Nang mapag-alamang sa nobyo niya'y may 'di siya nalalaman
Na taliwas sa inakala ang lihim nitong katauhan
Ngunit babangon siya, ano mang pait ng kapalaran

[Chorus: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto

[Verse 3: Flow G]
Siya daw ang pinakaswabe, 'yan ang sabi sa kwento
Kung titignan parang walang depekto
'Yung korte perpekto, kaso tyempo, 'di na pwede kay Pedro
Kasi napamahal na siya sa kumbento
Kaya mukhang hindi na para kay Adan ang kutis balerina
Malabo nang maging tulad ni Zoren at Carmina
Binalutan at mukha niya na lamang ang pwedeng makita
Nakarating na sa altar kaso nga lang bilang Maria
Pinangarap kong makarating ng kasalan
Nangyari kaso lang sa ibang pagmamahalan
Iba man ang dahilan bago ko pa maranasan
Ayos lang kahit hindi binigay ng kapalaran
[Chorus: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto

[Verse 4: Brando]
Lagi na lang kaibigan ang dating
Kahit na estado natin mahirap na tanggapin
Ako sa'yo ay merong palihim na pagtingin, matalik na kaibigan
Babae lang tayo dapat, hindi pwedeng kiligin
Pero bakit ba sa tuwing ikaw ay nasa tabing
Tayong dalawa, nagmimistulang lesbian ang dating
Sa'n man tayo magpunta ay pinipicturan kita
'Di ko akalain sunod na kuha'y sa kasal mo na
Gusto kong sabihin, goldie, I'm happy, I'm always bе here
Forevеr, Jade, I'm still ang best friend mo na chubby
Masaya ako na maging abay sa iyong kasalan
Na sa ibang kamay ibinigay ng kapalaran

[Chorus: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto
[Verse 5: King Badger]
Nawawalan na siya ng pag-asa na meron pang tyansang
Dumating ang araw na iharap siya sa dambana
'Di naman daw siya 'yong tipong may nagkakandarapa
Kaso mapaglaro pala talaga ang tadhana
Sa unang tingin walang ningning
At kung tutuusin hindi siya kapansin-pansin
Sinong mag-aakalang panahon ay darating
Na siya pa pala ang unang aalayan ng singsing
Bagay na minsan lamang mararanasan
Sa kaniya pa nangyari nang 'di inaasahan
Kabaliktaran pala kadalasan
Kaya 'wag pangunahan, kung ano'ng kapalaran

[Chorus: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako ay naririto
Ay handa 'kong maghintay
Kung kailan ibibigay
Pero kung 'di man para sa'kin ito
Kahit na anong mangyari ako'y naririto

[Outro: Skusta Clee]
Kung hindi man para sa'kin ito
'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo
Ako ay lagi lamang naririto
Kahit na nahihirapan na ang sarili ko