King Badger
Walang Gana
[Verse 1]
Ang daling isipin pero ba't ang hirap maalala
'Yung dapat na kasama ko sa hirap at ginhawa
Wala na, parang ayoko na sa mundo
Ang bigat na ng loob ko, nawala ka daig ko pa nalumpo
Kaya ang hiling ko lang lagi, mabalik pa natin ang dati
So pa'no kung dala ka na kasi paulit-ulit nangyari
Sayang, 'yung sinayang ko lalo na kapag pinabayaan ko
Mawala ang kahinaan ko
Dahil siya ang natatanging kailangan ko, woah

[Refrain]
Ngayon alam ko nang hindi ko kaya
Mabuhay ng wala ka, nakakawalang gana
Ayokong maubusan ng pag-asa
Bigyan mo 'ko ng tyansa, muli kang makasama

[Pre-Chorus]
Halika na, uwi ka na mahal pa kita
Pagbabalik mo ang kailangan ko wala ng iba
Halika na, uwi ka na kailangan kita
Isipin mo 'yung tayo, 'wag 'yung sinasabi nila

[Chorus]
Kada gising iniisip ka seryoso
Sobrang namimiss kasi kita ng todo
Umaasa sa pangalawa mong oo
(Kaya) Narito ako
(Kaya) Narito ako
[Verse 2]
Bakit ba gano'n akala ko ay kaya ko na
'Di pala mali ako kailangan kita
Miss ko na lahat ang pagsasama
Miss ko na tawagin mong asawa
'Di ka na miss at least lang
Dahil namiss ko kiss mo, peace na this time
Alam ko inis kaya umalis dahil doon ako ay natiis nang matagal
Mabilis sa iyong pag-alis pero isa lang gusto, yes lang
Para maibalik makasama ulit, makayakap muli ka, please lang

[Refrain]
Ngayon alam ko nang hindi ko kaya
Mabuhay ng wala ka nakakawalang gana
Ayokong maubusan ng pag-asa
Bigyan mo 'ko ng tyansa, muli kang makasama

[Pre-Chorus]
Halika na, uwi ka na mahal pa kita
Pagbabalik mo ang kailangan ko wala ng iba
Halika na, uwi ka na kailangan kita
Isipin mo 'yung tayo, 'wag 'yung sinasabi nila

[Chorus]
Kada gising iniisip ka seryoso
Sobrang namimiss kasi kita ng todo
Umaasa sa pangalawa mong oo
(Kaya) Narito ako
(Kaya) Narito ako
[Pre-Chorus]
Halika na, uwi ka na mahal pa kita
Pagbabalik mo ang kailangan ko wala ng iba
Halika na, uwi ka na kailangan kita
Isipin mo 'yung tayo, 'wag 'yung sinasabi nila

[Chorus]
Kada gising iniisip ka seryoso
Sobrang namimiss kasi kita ng todo
Umaasa sa pangalawa mong oo
(Kaya) Narito ako
(Kaya) Narito ako