King Badger
Bagong Simula
[Intro: Skusta Clee]
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Flip-D on the beat

[Chorus: Skusta Clee]
Kalimutan ang nakaraan at ako'y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan, lahat ’yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit mang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

[Verse 1: Emcee Rhenn]
Nakakapagod nang lumaban, minsan gusto kong takasan
Ang madaya na mundong mapaglaro
Lumipat kung saan pupwedeng ilabas ang tunay na ako
Nang walang pangamba at takot na baka 'ko mabigo
O baka biglang magkamali ako, madapa ulit
Pero mas naisip ko na tumayo ulit
Pag-igihin ang sarili kong magsimula ulit
'Di na takot, tatawa na’t ilalabas na ang kulit
Sa bagong pahina, tapos na 'kong magpahinga
Handa na 'kong magsimula, 'di na takot mapahiya
Hatakin man ng tadhana, pabalik sa umpisa
Taas-noong lalakad, papunta sa bagong simula

[Chorus: Skusta Clee]
Kalimutan ang nakaraan at ako'y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan, lahat 'yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit mang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula
[Verse 2: King Badger]
Ganyan talaga ang buhay, 'di ka pwedeng umasa sa himala
Kailangan mong matutong kusang tumayo kapag ikaw ay nadapa
Sabay kalimutan ang nakaraan, yeah, 'wag kang mahiya
Dahil walang masama kung gusto mo, yeah, ulit na magsimula
Sarili mo lang ang kalaban mo sa buhay mo
Kapag nadapa, ikaw lang din magtatayo sa’yo
Easyhan mo lang para hindi ka na nalilito
Dapat ay isipin mong lahat ay kakayanin mo

[Chorus: Skusta Clee]
Kalimutan ang nakaraan at ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan, lahat 'yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit mang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

[Verse 3: Ai-Ai Delas Alas]
Parang imposible na mabago ang lahat pero posible
Magsimula ulit sa simple, gano’n lang kasimple
Kasi nga ito ang aking simula
Para aking maiba ang aking nakaraan
Dapat dito ay pinaghahandaan
Para ako'y makabangon at 'di na mabalikan
Ang mga araw na may sugat na malalim at mababaw
Na babago 'to sa akin balang araw
Kasiyahan ko naman ang umaapaw