King Badger
PagMAMAhal
[Intro: Bosx1ne]
Oh, ooh

[Verse 1: Bosx1ne, Skusta Clee]
Alam ko may mali ako
Kahit na nananabik pa sa yakap mo
Nagmamatigas ako
Gusto kong hawakan nang mahigpit ang 'yong mga kamay
'Wag kang aalis sa aking tabi, 'pagkat 'di ako sanay
Kahit na ano man ang mangyari, nand'yan ka palagi
Tinitiis lahat ng sakit, hapdi para lang sa akin
Ma, kung marami man akong pagkukulang
Lahat naman 'yon ay aking pupunan
Ikaw ang aking tandayan, 'pag wala 'kong unan

[Chorus: Bosx1ne]
Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong, sa iyong pagmamahal

[Hook: Bosx1ne]
Pagmamahal
Sa'yong pagmamahal
Pagmamahal
Sa'yong pagmamahal
[Verse 2: King Badger]
Mama, salamat at ikaw ang naging ilaw
Ng tahanan natin, ni minsa'y 'di ka nagkulang
Sa pag-aalaga at pagt'ya-t'yaga sa akin
Bilib din ako sa'yo sa iyong pinakitang pagmamahal
Kaya hanggang sa dulo, Ma
Ako'y saludo sa iyo aking ina
Dahil natayo, naisulong mo ang pamilya natin
Na maayos na ikaw lang mag-isa

[Verse 3: Emcee Rhenn]
Alam kong 'di sapat ang papuri at salamat
Alam kong kulang ang mga halik pati ang yakap
Alam kong 'di ko kayang tumbasan ang mga luha't mga pawis
Na binuhos mo 'wag lang kaming magdusa
Ikaw ang nagbigay ng buhay, 'di ka naghintay
Ng pabuyang kapalit o masarap na tagumpay
Basta para sa iyo walang 'di kayang ibigay
Kung ako'ng makikinabang, buhay man ibibigay
Inay, salamat, kahit minsan po ay 'di ka tumalikod
Tinuro mo sa amin sa taas 'wag makalimot
Pangako kahit sa'n makarating o makalibot
Ay baon mga turo mo, hindi ko malilimot

[Chorus: Bosx1ne]
Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong, sa iyong pagmamahal
[Verse 4: Brando]
Alam ko masaya ka no'ng ako'y ipanganak
Kaya mong isugal ang buhay mo at matiyak
Na ako'y lumaki, 'di hahayaang mapahamak
Lagi sa tabi, masasaktan 'pag umiyak
Kahit na 'di ko man masabi sa'yo nang harapan
Na mahal kita, Ma, kahit na kadalasan
Meron mang katigasan ng ulo at ni minsan
'Di mo 'ko sinukuan at kahit nahihirapan ka
And'yan pa rin, nanay ko pa rin
Handa 'kong mahalin kumapit man sa patalim
At alam ko na hindi naman gano'n kadaling maging ina
Pero isa ka sa pinakamagaling, Ma

[Verse 5: Flow G]
'Di man ako ang pinakamabuting anak
Mabuti na lang handa ka na gawin lahat
Pagmamahal na sa iba'y hindi ko mahahanap
Hindi ka nagkulang na busugin ako sa yakap
At bilib ako sa'yong pagiging ina
Kasi kahit magkamali ako kakampi kita
Binibigay mo kahit para sa sarili mo na
Kaya hinding-hindi kita 'pagpapalit sa iba
Ma, umasa ka na ngayon, wala ka nang sakit sa ulo
Natuto na 'ko sa mga pangaral mong tinuro
Mahal kita, Ma, kaya umasa ka na
Mula ngayon ipaparamdam kong mahalaga ka
[Chorus: Bosx1ne, Skusta Clee, Bosx1ne & Skusta Clee]
Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong (Sa iyong)
Sa iyong pagmamahal

[Outro: Skusta Clee, Bosx1ne & Skusta Clee]
Sa'yong pagmamahal
Sa'yong pagmamahal
Nasasabik pa rin ako
Sa'yong pagmamahal