Bugoy na Koykoy
Tuloy
[Intro]
Tuloy, kahit na wala na ngang sense
Tinutuloy, sa paglabas pagkat wala namang fence
Tinutuloy!
Kahit kailan 'di 'to mangangawit
Tuloy!
Mga manunulat at mang-aawit

[Verse]
Give me the mic, akin na yan, I will show yah
'Pag ako nag rap ikaw ay mapapa "Oh yeah"
Papakinggan mo mula gabi hanggang madaling araw
Pagkat sabi ng iba ako'y magaling nga raw
Ngunit napapaisip kung para sa'n 'to
Ako'y magpapaka martyr ba na parang santo
Sa pagkanta ng walang bayad ay nakaka-ilan na
Tumatanda na sa rap, medyo nakakailang na
Ngunit bahala na kahit di madiskobre
Basta napapasayaw ka parang disco pre
Hangga't meron akong beat, papel at lapis
Kung kalaban iiwanan ka, belat ka, peace
Kasi ang mga taong talangka pinanipis ko
Durog sila na parang naapakan na rebisco
Maniwala ka, malalim 'to na parang bible mo
Kasi ako pa rin ang idol nang idol mo