Bugoy na Koykoy
Nababaliw
[Intro]
Uh, kapag hindi mo na kaya sumabay ka lang, yeah
Bugoy na Koykoy

[Chorus]
Dahil ba, dahil ba sa kanya ikaw ay na—na—nababaliw
'Di mo na matiis ang ginagawa niya ('Di mo na matiis)
Ika'y nababaliw, 'di mo na matiis ang ginagawa niya

[Verse 1]
Pumapatak na naman ang luha mo
Pusong warak na naman nakuha mo
Diba dapat ang pag-ibig paraiso
Pero up and down na parang siso
At 'di mo magets kadalasan, ang bigay sa iyo ay kamalasan
At ang lason ay hindi mo mahuga—
Sa'n utak niya 'di mo mauga
Sa'n na nga ba 'di mo mahanap
Yakap niya iba kaya 'di mo mayakap
Kay dami niyang babae 'di mo na mabilang
Sa dami nila ay hindi ka na kabilang
Mga nakapilang nilandi niya kaya hanggang ngayon ika'y ilang
'Di niya makita ang tunay mong halaga, baka iwanan ka pa niya
Hala ka

[Chorus]
Dahil ba, dahil ba sa kanya ikaw ay na—na—nababaliw
'Di mo na matiis ang ginagawa niya ('Di mo na matiis)
Ika'y nababaliw, 'di mo na matiis ang ginagawa niya
[Verse 2]
Inasinta ang saya ngunit hindi masangga 'yon
Para bang ang buhay sayo 'di sang-ayon
Tambak na problema, pag-ibig, isa nga 'yon
Kung bakit 'di siya maawa sa iyo, eh sanay 'yon na—
Makita kang naghahabol sa kanya, mata mo'y nagkakabulsa
Ang laki ng eye bag mo sa kakaiyak
Nababaliw ka na sa kakatiyak
Na wala siyang iba na 'di nangangaliwa
Tanong ko sayo ika'y naaaliwan
Na nahuhuli mo siya pag nag imbestiga
Lagi mong sigaw sa kanya ay "Peste ka!"
Pag na'ndyan ka mabait, pag wala iba din siya
Nabubuking mo siya, huli ang ebidensya
Pero 'di mo maiwan, bulag ka
Ikaw din sa bandang huli, bulagta

[Chorus]
Dahil ba, dahil ba sa kanya ikaw ay na—na—nababaliw
'Di mo na matiis ang ginagawa niya ('Di mo na matiis)
Ika'y nababaliw, 'di mo na matiis ang ginagawa niya

[Verse 3]
Inis ka, ang mukha'y namumula din
Kaya ang kanta ko mata mo'y mumulatin
Pakinggan ang bawat pag kabig ko
Iniiba ang iyong pagkabigo
Sa akin nung isang beses ‘di lumingon
Fresh ko, boyfriend mo, dumi 'yon!
Tagal ko na dito, 'di mo nadama
Pinana ka ni kupido, 'di ka na tamaan
Kaya nga ako'y na balewala
At sa boyfriend mo ika'y na pariwara
Dapat ako ang maghahatid ng ligaya
Ang mapasaakin ka para bang 'di kaya
Hanggang ngayon sa listahan mo nasa taas siya
Pa'no na'ng pangarap kong ilibot ka sa asya
Kapag malungkot ka, mamaya'y tatawa rin
‘Pagkat para sayo lahat ay tatawirin