Munimuni
Kapayapaan
[Verse 1]
Pagod na utak, pusong gising
Pahingang binakuran ng gabi
Sinusubukang intindihin
Palaisipang sarili

[Chorus]
Mabigyan lang sana ng kapayapaan ang isip

[Verse 2]
Lunod sa limot, 'di napansin
'Di alam kung sa'n patungo
Walang layunin, walang minimithi
Hanggang saan kaya makakarating

[Chorus]
Mabigyan lang sana ng kapayapaan ang isip
Mabigyan lang sana ng kapayapaan ang isip
Mabigyan lang sana ng kapayapaan ang isip

[Outro]
Pagod na utak, pusong gising