Munimuni
Mali
Mali bang hanapin ang ligaya
Sa mundong puno ng dalita
Mali bang hanapin ang pag-asa
Sa mundong puno ng luhaang mata

Mali bang ako'y lumigaya
Noong masilayan ka
Mali bang makita ka
Sa piling ng iba

Mali bang di ko nahayag
Pag-ibig na handang maglayag
Tungo sa buhay
Na ikaw habang-buhay

Maligayang maligaya akong
Maligayang maligaya ka

Maligayang maligaya akong
Maligayang maligaya ka

Maligayang maligaya akong
Maligayang maligaya ka
Sa kanya

Mali bang mahanap ang ligaya
Sa mundong puno ng dalita
Mali bang mahanap ang pag-asa
Sa mundong puno ng luhaang mata