Munimuni
Bukas Makalawa
[Verse]
Madilim ang araw
Ang daan ay tila walang hangganan
Kung walang gabay
Kailan kaya makakauwi

Sa búhay na bangungot
Ginapos ang puso't isip
'Di makapiglas
Dinggin ang aking tangis

[Chorus]
Bukas makalawa
Sana bukas makawalá
Sa pasaning binuhat mag-isa
Sana bukas makawalá

[Verse]
Ano ang katotohanan?
Sino ang paniniwalaan?
Anong mapapala
Sa aking hinagpis

Bawat hakbang papalapit
Ay dalawang hakbang papalayo
Paulit-ulit lang
Pagbubuntong-hininga
[Chorus]
Bukas makalawa
Sana bukas makawalá
Sa eksenang nakabisa
Sana bukas makawalá

[Bridge]
Bawat pasanin ilalatag (sa Iyong paanan)
Saliw ng Iyong pag-ibig ay aking
O aking
Aking
O aking sasabayan

[Outro]
Bukas makalawa
Bukas makakawala