Munimuni
Maligaya
[Verse 1]
Nanatili sa kanyang alaala
Mga dahon na pakalat-kalat
Sa paligid ng gusali ng kanilang
Paaralan tuwing taglagas

[Chorus]
Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan
Ooohhhh

[Verse 2]
Maligaya ang pangalan ng dakong
Pinagmulan ng kahit minsan
Kabalintunaan ang mga siglaw
Na pinagtabi sa ’yong isipan

[Chorus]
Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan
Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan
Ooohhhh, wa-ohh

[Bridge]
Tamis at pait
Ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon
Ay may naiaambag sa kabuuan ng ikaw
Tamis at pait
Ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon
Ay may naiaambag sa kabuuan ng ikaw, oohh