Munimuni
Bahay na Puti
[Verse 1]
Dinala ka namin sa
Bahay  na puti
Kung  saan makakapahinga
Ang iyong mga damdamin

[Refrain 1]
At doon sa kama
Sabi  mo uwing-uwi ka na
Baka  bukas makalawa
Makauwi sana
Ah,  ah‚ ah

[Verse 2]
Hinihingal ka
Inakyat mo ang bulubundukin
Bawat hakbang
Binibitawan  ng kalungkutan

[Refrain 2]
At doon sa tuktok
Nakita mo ang bahay mo
Baka bukas makalawa
Makauwi sana
Ah‚ ah‚ ah
[Bridge]
‘Di naman namin alam
Ito na ang huling paalam
Kumapit ka sa kamay ng umaga
At ‘di na bumitaw
Uuwi ka na pala
Uuwi ka na pala
Uuwi ka na pala
Umuwi ka na pala
Umuwi ka na pala
Nakauwi ka na

[Verse 3]
Dinala ka Niya
Bahay na puti
Kung saan makakapahinga
Ang iyong mga damdamin