Munimuni
Oras
[Verse 1]
Sa piling ng mga ulap na tila dagat
At talahib na tila batang makulit
Ika’y napatanong sa sarili
Hinahabol mo ba ang umaga?
O ang umaga’ng humahabol sayo?

[Chorus]
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat

[Verse 2]
Sa ilalim ng karagatang ulap
May ilog na tahimik na dumadaloy
Nasubukan niya na bang magtanong?
May patutunguhan ba tayo?
Pwede bang itigil na muna ang pag-alon

[Chorus 2]
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat
[Post-Chorus]
Ang daloy ng panahon
Ang daloy ng panahon
Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo

[Flute Solo]

[Bridge]
Wala sa iyong kamay
Ang klima ng buhay
Akyat-baba ng alon
Sa pagdaloy ng panahon

[Chorus 2]
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang
Patuloy lang ang lahat
Ang daloy ng panahon
Ang daloy ng panahon
Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo