Ex Battalion
Bullet Sun
[Intro: King Badger]
Hintayin na lang ang pagkakataon
Okay lang naman kahit 'di man ngayon
'Di ako mapapagod maghintay
Kasi alam ko, darating balang araw

[Chorus: King Badger]
Balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
Balang araw, balang araw
Magiging sa'kin ka na din, na wala nang kaagaw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

[Verse 1: Emcee Rhenn]
Emcee!
'Di man tayo sa ngayon (sa ngayon) pero alam kong darating
Ang asam kong panahon (panahon) na ako ay mahalin
Mapapansin mo rin ang pagtingin ko
Sorry na kung minsan para na 'kong weirdo
Minamasdan ko (ko), gagawin mo (mo), sa malayo (–yo), paghakbang mo
Umaasa na magaganap ang mga himala
Nalimutan na ang takot na baka walang mapala
Basta't tanging mahalaga, alalayang 'wag madapa
Hanggang dumating ang araw
Na pag-ibig ko'y madama dahil nga
[Chorus: King Badger, Emcee Rhenn, Honcho]
Balang araw, balang araw (Alam kong darating)
Mapapansin mo din ako siguro balang araw (Alam kong darating)
Balang araw (Alam kong darating)
Balang araw (Alam kong darating)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw (Balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Magiging sa'kin ka na din na wala nang kaagaw (Woah-ohh)
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

[Verse 2: Honcho]
Wooh, Honcho!
'Di ko rin alam kung papa'no
Matutupad lahat ng aking mga plano (Plano)
Pwedeng magbago (Pwede ba?) pwedeng alisin
Pero ang ating pangako (Pa'no), tuloy pa rin
Sa'yo pa rin bibigkasin, sa'yo pa rin
Ibubulong ko sa'yo damahin
At laging dalhin mo, kahit saan ka man makarating
Ang laging hinihiling ay ang ngayong pagdating
Alanganin man at mali, hihintayin ko
Sadyang bilog ang mundo (Ooh-ooh)
Magaganap ang gusto (Ooh-ooh)
Naniniwala ako, balang araw darating din
Makapapayag ng munti, lahat gagawin at tutuparin
[Chorus: King Badger, Honcho, Flow G]
Balang araw, balang araw (Wooh)
Mapapansin mo din ako siguro balang araw (Sana balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw (Wooh)
Balang araw, balang araw
Magiging sa'kin ka na din na wala nang kaagaw (Na-na-na)
Balang araw, balang araw (Oh)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw (Oh)

[Verse 3: Flow G]
'Di mababaw kasi umaapaw 'yong pakiramdam ay mas masarap pa sa oras ng ninanakaw (Ninanakaw)
Araw-araw nakatutok, lumubog ang araw
Para sa gabi mag-abang humiling kasi sa dilim lang may bulalakaw
Ginawa ko na libangan nang 'di mainip
Alam ko at sigurado ako na sa akin ka pa rin mapapalapit
At ang tanong, kung matagalan ba?
Ikaw kapalit, sa'yo makakahalik, woah
Kaya ko pa magtiis kahit ilang taon pa ulit
Nasanay din akong tumingala
Wala na rin namang mawawala
Katuparan ang hinanap ko 'di himala ('Di himala)
'Yan ang ginawa nang ginawa
Kaya nandito ka na katabi sa bilis
'Di na namalayan na ngayon na pala
[Chorus: King Badger, Flow G]
Balang araw, balang araw (Balang araw)
Mapapansin mo din ako siguro balang araw (Hindi na balang araw)
Balang araw, balang araw (Hindi na balang araw)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw (Kasi nangyari na)
Balang araw (Nangyari na)
Balang araw (Nangyari na)
Magiging sa'kin ka na din na wala nang kaagaw (Balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Balang araw (Balang araw)
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw

[Bridge: King Badger]
Heto na ang pagkakataon
Okay na kasama ka na dito ngayon
Buti 'di ako nagsawang maghintay
Sa wakas natupad ang dating balang araw

[Chorus: King Badger]
Balang araw, balang araw
Mapapansin mo din ako siguro balang araw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw
Balang araw, balang araw
Magiging sa'kin ka na din na wala nang kaagaw
Balang araw, balang araw
Ikaw rin at ako sa finale, balang araw