Ex Battalion
Nandyan Agad Ako
[Intro]
Yeah, oh, woah-oh-oh
Na-na-na-na, mm, hmm-mm

[Verse 1]
Meron akong tinatago, 'di ko lang maamin
Pagdating kasi sa'yo, ako ay mahiyain (Prt, prt)
Pero kahit anong oras mo ako tawagin
Darating ako, sobrang lakas mo kasi sa'kin (Yeah)
Kahit nasaan pa 'yan, asahan mo na nand'yan ako (Oh, oh)
Tandaan mo na wala nang mas mahalaga pa sa'yo (Oh)
Kaya hindi ako mawawala sa'yo (Hindi)
Pero kapag nawala ka ay magwawala ako

[Refrain]
Simula no'ng una ka makita
Gusto ko palagi ka makita
Balak ko kasi na ipakita
Na bibihira ka, pambihira (Ppu, ppu)
'Di naman ako dating gan'to
Nag-iba lang sa pamamagitan mo
Nanginginig ako

[Pre-Chorus]
Alam mo ba sa t'wing magkakatitigan tayo?
Nahihiya ako, ewan kung ba't gan'to
Agad akong tinatangay ng pamatay mong ngiti
Kaya tinamaan nang gano'n kadali
[Chorus]
Kaya isang tawag mo lang ay nand'yan agad ako
Kapag kailangan mo 'ko, nand'yan agad ako
Oo, seryoso, mas mabilis pa sa alas kwatro
Darating ako, 'pag gusto mo, kasama mo 'ko
(Du, du, du, du, du)

[Verse 2]
Gusto kitang makasama madalas (Nang madalas)
'Yong sabay tayong kakain sa labas (Sa labas)
Manonood sa mall ng bagong palabas
Aba, mahal na nga siguro kita, 'di na kita crush
Kahit na sabihin pa at 'di pakinggan
Hindi ko naman sila pakikinggan
Tignan mo ang mga mata ko
Para makita mo na sa'yo lang nakatitig 'yan (Nakatitig 'yan)
Basta't makasama ka lang ay kuntento ako
Kumpleto ako, kasama kita sa kuwento na 'to

[Refrain]
Simula nung una kang makita (—kita)
Gusto ko palagi ka makita (—kita)
Balak ko kasi na ipakita
Na bibihira ka, pambihira (Pambihira)
'Di naman ako dating gan'to
Nag-iba lang sa pamamagitan mo
Nanginginig ako
[Pre-Chorus]
Alam mo ba sa t'wing magkakatitigan tayo?
Nahihiya ako, ewan kung ba't gan'to
Agad akong tinatangay ng pamatay mong ngiti
Kaya tinamaan nang gano'n kadali

[Chorus]
Kaya isang tawag mo lang ay nand'yan agad ako
Kapag kailangan mo 'ko, nand'yan agad ako
Oo, seryoso, mas mabilis pa sa alas kwatro (Oh)
(Aha, aha, aha)

[Bridge]
Wala lilipas na oras na 'di ka iniisip
At nakakatunaw ka tumingin at 'pag kumikindat
Gumagaan lahat kahit na ga'no kabigat
Salamat at nand'yan ka

[Pre-Chorus]
Alam mo ba sa t'wing magkakatitigan tayo?
Nahihiya ako, ewan kung ba't gan'to
Agad akong tinatangay ng pamatay mong ngiti
Kaya tinamaan nang gano'n kadali

[Chorus]
Kaya isang tawag mo lang ay nand'yan agad ako
Kapag kailangan mo 'ko, nand'yan agad ako
Oo, seryoso, mas mabilis pa sa alas kwatro
Darating ako, 'pag gusto mo
[Outro]
Kaya isang tawag mo lang ay nand'yan agad ako
Kapag kailangan mo 'ko, nand'yan agad ako
Oo, seryoso mas mabilis pa sa alas kwatro
Darating ako, 'pag gusto mo, kasama mo 'ko