Ex Battalion
Sana Ikaw Na Nga
[Intro: Bosx1ne]
Panty Droppaz League
Hahaha! Yeah! ExB!
This is a Cursebox Production
Ooh-oh-oh, ooh-oh-oh, ooh-oh-oh
Ooh-oh-oh, ooh-oh-oh, ooh-oh-oh

[Verse 1: Bryan Chong]
Sa'yong mga mata parang nakita ko ang lahat
Magandang bukas na kasama ko'y ikaw
Kaya ngayon, ito ang nais kong ilahad
Ngayon ay kaya ko nang isigaw
Ang dati ay hindi ko maintindihan
Ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal
Naging mas makabuluhan, dahil sa'yo naramdaman
Ngayon ang nais ko ay lagi lang sa piling mo
At sana ay ikaw na nga
Gusto kong masilayan ka bawat paggising ko
At pwede bang ikaw na nga?
Binibini ko, 'di mo 'ko binigo
Binigyan mo ng kulay ang daigdig ko
Ipinapangako kong pag-iingatan ka
Wala nang dahilan para sayangin ka pa

[Chorus: Bosx1ne]
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon
[Post-Chorus: Bryan Chong]
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga

[Verse 2: Emcee Rhenn, Bosx1ne]
Yeah, teka sandali, huminahon ka
'Wag ka munang umalis, sa'kin makinig ka
At tumitig ka sa'king mga mata
'Wag ka munang lumayo, saan ba papunta?
Ang usapan na ito, sa awitin ko na 'to
Sasabihin ko na 'to, sana 'wag kang malito
Teka lang naman, 'wag mo 'kong apurahin
Cool ka lang, 'wag mo sanang murahin (Kaya pala)
Ilang beses nabigo (Kaya pala)
Hindi na 'ko tumino (Kaya pala)
Ngayon ko napagtantong
May isang katulad mo na mabubunggo
Sa daang malubak doon ko natiyak na ikaw ang magpapapatag
At sa mundong madilim no'ng ika'y dumating, hinatid mo ang liwanag
Kaya gusto ko palagi na awitan ka
Pag-aralan ko kung papa'no ba ingatan ka
Lakbayin nang magkasamang kalangitan
At magsumpaan na palaging aalayan ka
Nang buong pagtingin, naka-focus sa mata
Para na kung aneng kasi todo talaga
Sa gabi ay dilat, 'di mapikit ang mata
Bukas na 'ko matutulog, iisipin pa kita
Panaginip mo pa man, dadayuhin pa kita
Para 'di mo lang maisip na mag-isa ka
Sa'n ka man makarating, lagi akong darating
Asahan mo palagi na handa kang sagipin
Ikaw ay para sa'kin at ako'y para sa'yo
'Di pa man nakatadhana, eh ano bang pake ko
Basta sa'kin, malinaw gusto ko sa tabi mo
Hanggang 'di ko na makayang idilat ang mata ko
[Chorus: Bosx1ne]
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon

[Post-Chorus: Bryan Chong]
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga

[Verse 3: Flow G]
Isang tulad mo ang, isang tulad mo ang
Siyang hulog ng kalangitan na hinihiling ko
Kaya sana ikaw na nga, sana ikaw na nga
'Wag sanang mabigong kunin ang pag-ibig mo
Kaya bumili ako ng singsing sa sobrang kintab ay nagniningning
Sa oras na ibigay dapat ay nandito pa rin
Lahat ng pagmamahal at bawal luwain, napakasarap ibigin ka
Kasi nga sinta, ikaw ang tinitibok ko
Napakasarap isipin na makapiling ka
Hanggang pumuti ang mga buhok ko
Katabi kita matulog at hanggang sa magising
Kahati kita sa kumot kung sakaling lamigin
At kung biyayaan man ng supling
Darling, sabay nating palakihin
Kung sakali man na may balakid na paparating
Dapat ay magkasabay pa rin nating haharapin
At kung sino mang maging papansin
Sa mundo natin handa akong alisin
'Wag kang magtaka, ito'y natural talaga
Sa isang lalaki, 'pag nakadama
Ng tunay na pagmamahal sa binibining kakaiba
Salita na mahal mo 'ko'y sapat na
Talagang wala nang mas sasarap pa
Pa'no pa siguro 'pag pinalad ako
At naganap na sa'kin maikasal ka
[Verse 4: JRoa]
Hindi na pakakawalan, gusto kitang pakasalan
Wala nang iba pang gustong makasama
Hanggang sa huling hininga, ikaw na sana
Makatuluyan ko, reyna ng buhay ko
Lahat ay kaya kong gawin para lamang sa'yo
At ang tangi kong hinahangad
Na sana ay ikaw na nga

[Chorus: Bosx1ne]
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon
Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap, ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama, kapiling ko habang panahon

[Post-Chorus: Bryan Chong]
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga