Ex Battalion
Gayahin Mo Sila
[Intro]
Yeah, yeah, yeah, yeah
Thahahaha
Copy Cats! Class B!

[Chorus]
Viral video na naman, ang bilis sumikat n'yan
Pwede mong pagkakitaan, dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig ay iisipin pa
Gayahin mo sila, mas madaling mangopya
Para patunayan ko, manggagaya lang ako
Pero bukas lang, magugulat ka, mas sikat na 'to, oh-oh
Kaya 'wag nang um-effort pa
Kaya 'wag nang um-effort pa

[Verse 1]
Tengga na naman tayo (Tayo)
Wala nang bagong mailuto (Luto)
Ano kaya'ng mapapauso (Uso)
Para marami ang maloko? (Loko)
Hanap-hanap lang sa YouTube at sa Instagram (Aight)
Ano ba ang nagte-trending nu'ng nakaraan? (That's right)
Ilang beses ka na rin namang kumita d'yan (Hoo)
Ayaw mo lang naman kasi na mahirapan (Brrt-brrt)
Sige, gayahin mo na now-now-now, para lang mas madali
'Di kailangang mag-effort, ba't ka pa mag-iisip?
'Pag may sumita, kamot at sabay ngiti
Ang akala ko ay okay lang kasi
[Verse 2]
Pakopya-kopya lang, para lang naglilibang (Lilibang)
Na-inspire lang naman, hindi naman nanlalamang
Dapat patunayan n'yo na ginagaya ko 'yan (Ko 'yan)
Dahil kahit sa'n tingnan, may-may-may lusot ako d'yan
Alam kong masama 'yung style ni Juan Tamad
Pero mas masama naman kung mag-post nang nakahubad
Kahit ang dami na natin na lahat magkamukha
Lahat tayo mukhang tanga, hindi naman ako mag-isa
Pakinggan ninyo 'ko kung pati kayo naloko
Tignan n'yo, gayang-gaya ko na kayo
Tignan n'yo, magva-viral na rin ako
Sinasabi ko sa'yo, two days lang, sikat na 'to

[Chorus]
Viral video na naman, ang bilis sumikat n'yan
Pwede mong pagkakitaan, dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig ay iisipin pa
Gayahin mo sila, mas madaling mangopya
Para patunayan ko, manggagaya lang ako
Pero bukas lang, magugulat ka, mas sikat na 'to, oh-oh
Kaya 'wag nang um-effort pa
Kaya 'wag nang um-effort pa

[Verse 3]
Mapapansin ba nila 'pag ikaw ay tumapat?
Ang dami d'yan ngayong sa pagsikat naaatat
Gustong ma-feature sa mga issue, sali lahat sa mga tao
Nagfi-feeling, medyo kadiri, feeling sikat
Who you ka? Bakit ka ba nakikisabay?
Mali-mali ang mga hirit, pare, sobrang sablay
Tinatawanan n'yo pero kayo ang ninakawan
Dahil parang kayo naman ang naiisahan
Kaya gayahin mo sila pero pabor sa'yo
'Di nila alam na pwedeng bara-bara tapos sa'yo na
Nakikinig ang mga tao, may lumipat nang iba
Konti na lang, pare, mas sikat ka na sa kanila
[Verse 4]
May nagsabi na sa'yong 'wag nang umulit
Ang kulit mo ring pasaway ka (Hey, hey)
Sangkatutak na na tao ang nagalit
Manggagaya ka na naman ng iba (Ah, yeah)
Bakit ba magagalit kayo sa akin? (Hoo)
Kapag sikat ka, pare (Pare), ikaw ay gagayahin
'Di, inamin mo lang na pikon ka (Pikon ka)
Ang pikon, talo, 'wag ka nang ano, laos ka (Yeah)
Pero 'pag nanggaya ka, dapat hindi masama
Babali-baliin para 'di masyadong halata
Darating din ang araw, malapit na mula ngayon
Wala nang gagayahin kundi ang sarili mo, eh, pa'no 'yon?

[Chorus]
Viral video na naman, ang bilis sumikat n'yan
Pwede mong pagkakitaan, dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig ay iisipin pa
Gayahin mo sila, mas madaling mangopya
Para patunayan ko, manggagaya lang ako
Pero bukas lang, magugulat ka, mas sikat na 'to
Kaya 'wag nang um-effort pa
Kaya 'wag nang um-effort pa

[Verse 5]
'Wag kang mag-alala, may mangagaya ring iba
May nanggagaya nga nu'ng ginagaya rin nila
Meron din na nanggagayang gayang-gaya talaga
Minsan nga, 'kala mo orig, pero nanggagaya rin pala
Ang hindi mo alam, kinokopya na lang
Ang lahat, walang pinipili, makakopya lang
Kaya sige na lang, kahit na papa'no lang
Dahil buong mundo, nababaliw, nabubuang sa mga 'yan
Kaya kahit na lokohin mo sarili mo
Sumasakay ka lang sa mga trip ng ginagaya mo
'Wag lang may makapansin, naku, may hahabol sa'yo
Sana sa Ex-Battalion ay makalusot ako
[Verse 6]
'Di-di-'di, 'di na mapigilan ang ganap (Ang ganap)
"Ang original, mahirap, 'pag manggaya, masarap"
Ano bang klaseng pag-iisip 'yan? (Isip 'yan)
Bakit nanggagaya? 'Di ba, kaya mo naman?
Sayang ang galing mo, pare
Napanood kita, alam kong malupit ka dati
Kahit lahat sila, ganyan ang sinasabi
Alam ko na ang talent mo naman ay grabe
'Wag sayangin ang 'yong time, time and your life (Brrt)
May original kang style, ba't 'di mo try? (Ah yeah)
Pati si Michael V. na idol n'yo, 'kala n'yo matino
Parang tanga, ginaya n'ya pa 'to, woah, woah, woah

[Chorus]
Viral video na naman, ang bilis sumikat n'yan (Hey)
Pwede mong pagkakitaan, dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig ay iisipin pa
Gayahin mo sila, mas madaling mangopya
Para patunayan ko, manggagaya lang ako (Hey, hey)
Pero bukas lang, magugulat ka, mas sikat na 'to (Hey, hey)
Kaya 'wag nang um-effort pa (Class B)
Kaya 'wag nang um-effort pa

[Outro]
Gayahin mo sila, gayahin mo sila
Gayahin mo sila pero pabor sa'yo
Gayahin mo sila, gayahin mo sila
Gayahin mo sila pero pabor sa'yo
Gagayahin ko sila, gagayahin mo sila
Gagayahin mo sila pero pabor sa'yo
Gagayahin ko sila, gagayahin mo sila
Gagayahin mo sila pero pabor sa'yo