Ex Battalion
San Ba Ako Nagkulang
[Verse 1: Bosx1ne]
Ano nga bang dahilan bakit ba iniwan mo?
Siguro nga'y nagkulang at nagkatampuhan tayo
Pero hindi 'yon dahilan para ipagpalit mo
Kalimutan ang sumpaan natin na nalimot mo
Nasasabik pa rin akong muli kang mahagkan
At maulit 'yon katulad no'ng sa'ting nakaraan
At babalik pa ba ang dati nang nasimulan
Maulit pa kaya, saan nga ba ako nagkulang?

[Chorus: Mckoy]
Sa'n ba ako nagkamali?
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali?
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
[Verse 2: Ritzz]
Kailan man ay hindi ko pinangarap na sa'yo
Isumbat lahat ng mga ginawa ko para sa iyo
Ngunit para sa pagkakataon na ito lahat-lahat ay dapat nang ipaalala sa iyo
Sa kadahilanang ako'y wala namang naaalalang ginawa na kalokohan
Para maging dahilan ng iyong paglisan at paglimot sa sinumpaang
Magsasama ng walang hangganan
Sa'n ba ako nagkamali?
Ano pa ba ang pagkukulang?
'Di kaya kalabisan na ang hinayaan na pag-ibig mo'y iba na ang natutunan
Marami ka nang ibang katanungan bago ka sa akin lumisan
Hindi mo man lang nabigyang kasagutan
Kaya hanggang sa ngayon ako ay gulong-gulo o lito sa'n ba ako nagkamali sa tingin mo?

[Verse 3]
Iniwanan mo ako
Na walang ano mang dahilan
Malalaman ko na lang tapos na ang lahat-lahat
Hindi naman nagkulang sa'yo aking mahal
Bagkus naging tapat, hindi pa ba sapat ang pag-ibig na inalay ko sa'yo?
Saan nga ba nagkulang?
Saan ba nagkamali?
Para lisanin na lang ako ng gano'n kadali (ah)

[Pre-Chorus]
Ano bang dahilan at nagawa mong talikuran
Kalimutan ang lahat ng mga sa'tin nagdaan?
Nagawa mo man 'to sa'kin nais ko pa rin sabihin na ikaw pa din ang hanap 'yan ang laging tandaan
[Chorus: Mckoy]
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?

[Verse 4: Emcee Rhenn]
'Di ba dati, sabi mo sa akin
Na ano man ang mangyari ay hindi ka bibigay
'Di ba dati, sabi mo pa sa'kin
'Pag wala 'ko sa iyong tabi 'di ka mapalagay
'Di ba dati, bakit puro dati?
'Di mo ba kayang ulitin ang lahat ng mga 'yon?
Mas pinili mong lumisan sa iba na ituon
Ang dati na para sa'kin nakanino na ngayon?
'Di mo ba makaya na 'di ako palitan?
Alagaan, panghawakan ang mga sinumpaan
Na binibigkas mo lagi na wala nang iwanan
Ngunit bakit ba ngayon nawalan ng katuturan?
Ang lahat ng alalang kalakip ng ating kahapon
Ang lahat ng mga 'yon handa mo na ba talagang itapon?
Ibaon na lang sa limot at hindi na balikan
Tanawin na lang sa langit masayang nakaraan
[Chorus: Mckoy]
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?