Ex Battalion
Nakakabaliw
[Chorus: Bosx1ne]
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

[Verse 1: Bosx1ne]
Wala nang ibang babae (babae) dito sa buhay ko tanging ikaw lamang ang nais, ang katulad mo
Ang gusto kong makasama, makatabi't kayakap makausap mo ng magdamag hanggang sa mag-umaga, pangako yan (pangako 'yan)
Ikaw lamang ang tangi kong hahalikan (hahalikan)
Kahit na puro lait at puro pagdududa may ngiti sa'king labi na nanggaling sa pagluha
Kaya ikaw lang kahit nakakabuang, nakakabaliw man sa'kin ay ok lang
Kahit anong mangyari sa'kin ay wala na
Akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

[Chorus: Bosx1ne]
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang
[Verse 2: McKoy]
Nakakabaliw ang isipin ka
'Di magkasundo parang aso't pusa
Lagi kang inis sa lagi kang galit na
Parang laging araw-araw kang may dalaw
Ano bang nagawa ko sa'yo at parang lagi ako sa'yong may atraso?
Kaso kun'di lang talaga kita mahal
Iniwan na kita 'di na tayo nagtagal
Pero kayang tiisin kahit 'di maintindihan
'Di ko na pag-isipan na ikaw ay palitan
At hindi ko nagawa na ikaw ay pag-isipan
Ang maghanap pa ng iba ay 'di ko pinanghintulutan
Dahil nga mahal kita kahit medyo may topak ka
'Di ko magagawa na sirain ang pangako ko, oh-oh mahal

[Chorus: Bosx1ne]
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

[Verse 3: Huddasss]
Madalas na sa'kin ay sabihing wala daw sa'ting mangyayari
'Yon ay sa kabila ng mahaba nating biyahe
'Di halos makabasag pinggan ang 'yong imahe
Ngunit sa isang iglap nagmimistulang tigre
Hindi ko rin naiintindihan, isa lang ang alam ko ito'y papanindigan
Kay dalas pagtawanan kapag tinatalakan
Pasalamat ka hindi ko kayang ikaw ay saktan
Nakakasira ka ng ulo, oo nakakabaliw
Pagtatalo natin ang naging libangan mo't aliw
Kailangan ka pang suyuin kahit ikaw ang mali
Nagkakasundo man tayo sobra na 'yong sandali
Minsan gusto kong isipin na wala nang paraan
Kapag gusto mong magalit wala kang pakialam
Ayos lang handa naman akong pagtiisan
Lahat 'yan ay napapawi ng isang ngiti mo lang
[Chorus: Bosx1ne]
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n?
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang