Patch Quiwa
Simula Pa Nung Una (Sad Version)
[Verse 1]
Simula pa nung una, hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit 'di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko 'yun noon, kampante na gano'n na lang
Sapat na nakasama kita, kahit hanggang do'n na lang

[Refrain]
'Di na lang ako lalapit, 'di na lang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sa'yong mga mata

[Chorus 1]
Siguro nga hindi na dapat umasa pa
'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman, hanggang dito na lang
Lilimutin ang damdamin, isisigaw na lang sa hangin
Mahal kita...
Mahal kita...

[Verse 2]
Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sa'yo

[Refrain]
Hirap pa ring hindi lumapit, 'di maiwasang tumingin
Mukha yatang ako'y nahulog na
Sa'yong mga mata
[Chorus 1]
Siguro nga hindi na dapat umasa pa
'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman, hanggang dito na lang
Lilimutin ang damdamin, isisigaw na lang sa hangin
Mahal kita...
Mahal kita...

[Bridge]
Nakatingin mula sa malayo
Tanggap ko nga ba 'to?
Sapat na nga ba 'to?

[Breakdown]
Nung ako'y lumapit
Na sa'yo lang ang tingin
Hinawakan ang iyong kamay
Pero iyong sinabi...

[Chorus 2]
Siguro nga hindi na dapat asahan ka (Siguro nga hindi na asahan)
Sa tagal kong naghihintay sa'yo, nagmamahal na ng iba
Tinuruan niya akong tanggaping
Wala ang pag-ibig mo sa akin, sa akin
Nilimot na ang damdamin, tinangay na rin ng hangin
Mga salitang hindi na sabi...
Mahal kita... (Mahal kita)
Mahal kita... (Mahal kita)
Mahal kita...
Mahal kita...
[Outro]
Ngayon tapos na 'yung nagsimula nung una