IV Of Spades
Sariling Multo (Sa Panaginip)
[Intro]
Sa panaginip ko, ikaw ang nakakasama
Sa bawat agos ng salita
Dala ang damdamin kong sawa
Pikit matang titingin
Sa patay na bituin
Sana pigilan sandali ang sandali
Upang takasan lahat ng takot ko

[Verse 1]
Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakausap
Ang luha kong nag-aabang
Laman ng tinagong kalungkutan
Pikit matang dadalhin
Kapayapaan, hihingin
Paano ba pigilan ang ikot ng mundo?

[Pre-Chorus 1]
Sa awiting ‘to, may magtataka
Kung magbago man ako, ‘wag sanang umalis

[Chorus]
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
[Verse 2]
Sa araw-araw ko, ikaw ang nakakalaban
Ano man dakong puntahan
Sabay tayong mahihirapan

[Pre-Chorus 2]
‘Wag ka sanang bumitaw
Bantayan bawat galaw
Nang hindi magtampisaw
Sa lungkot at luha ng ulan

[Chorus]
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?

[Bridge]
Tama bang itago ‘to?
Sana magising na ‘ko
Tama bang itago to?
Sana magising na ‘ko
Tama bang itago ‘to?
Sana magising na ‘ko
Tama bang itago ‘to?
Sana magising kayo
Tama bang itago ‘to?
Sana mapansin niyo ako
[Chorus]
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?
Panalangin ko, iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo?

[Outro]
(Sa sariling multo)
(Sariling multo)
(Sa panaginip ko, ikaw ang nakakasama)