The Juans
Manalangin
[Verse 1: Carl Guevarra]
Wala na bang magagawa?
Hindi ka ba nagtataka?
Paligid ay tahimik ngunit 'di payapa
Marami ang nangangamba
Ito ba ay matatapos pa?
Lahat nagtatanong, nasa'n na ang kasagutan?

[Pre-Chorus: Japs Mendoza]
Pa'no na bukas, makalawa?
Pa'no 'pag ang hirap ay hindi ko na kinaya?
Pa'no ba tayo magkakaisa?
Sa panahong malayo sa isa't isa

[Refrain: Carl Guevarra]
Hangga't may nakikinig sa panalangin
'Di mawawala ang pag-asa natin
Ikaw at ako, babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Lilipas din, matatapos din ang dilim

[Chorus: All]
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
[Verse 2: Japs Mendoza]
Lahat ay may magagawa
Magbigay, magpaubaya
Palitan ang alitan ng pag-unawa

[Pre-Chorus 2: Carl Guevarra]
Malay mo bukas, makalawa
Ang hirap ay sama-sama nating kinaya
Pa'no kung tayo'y magkaisa
Sa panahong kailangan ang isa't isa

[Refrain: Japs Mendoza]
Hangga't may nakikinig sa panalangin
'Di mawawala ang pag-asa natin
Ikaw at ako, babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Lilipas din, matatapos din ang dilim

[Chorus: All]
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim

[Bridge: Japs Mendoza, Carl Guevarra]
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Sama-sama lahat ay susulong
'Di mangangamba, 'di matatakot
Matatapos din, lilipas din ang dilim
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Sama-sama lahat ay susulong
'Di mangangamba, 'di matatakot
Matatapos din, lilipas din ang dilim
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Sama-sama lahat ay susulong
'Di mangangamba, 'di matatakot
Matatapos din, lilipas din ang dilim
[Chorus: All]
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim
Manalangin, manalangin, manalangin
Matatapos din ang dilim

[Refrain: Carl Guevarra, Japs Mendoza]
Hangga't may nakikinig sa panalangin
Hindi mawawala ang pag-asa natin
Ikaw at ako, babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta't tayo'y magtutulong-tulong
Lilipas din, matatapos din ang dilim

[Outro: Carl Guevarra, Japs Mendoza]
Lilipas din, matatapos din ang dilim
Lilipas din, matatapos din ang dilim