The Juans
Itutulog Na Lang
[Intro]
Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala

[Verse 1]
Gabi-gabi, hindi mapakali
Hinahanap-hanap ang iyong lambing
Hinahanap-hanap ka sa'king tabi

[Verse 2]
Paano na, sa isip 'di mawala
Mga sandali na ikaw ay kasama
Bawat sandali ay nais kang makita

[Chorus]
Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan

[Verse 3]
Ayoko na, nakakapagod din pala
Tatanggalin na lang mga alaala
Tatanggapin na lang na wala ka na

[Chorus]
Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan
[Bridge]
Pa'no na ang pangarap nating dalawa?
Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba
Pa'no na ang mga pangako sa isa't isa?
Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

[Chorus]
Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan

[Outro]
Itutulog na lang
Itutulog na lang