The Juans
Istorya
[Verse 1]
Sa istorya na tumatakbo sa aking isipan
Ikaw ay nariyan at kasama mo akong nangangarap
Na balang araw ay

[Chorus]
Aabutin mga bituin habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin para sa'ting dalawa
Hinding-hindi ka bibitiw kahit sa'n magpunta
Pero ngayon

[Hook]
Nasa'n na? Nasa'n na?
Sabi mo hindi ka bibitiw
Pero nasa'n na?

[Verse 2]
Sa istorya ng totoong buhay ay ikaw ay lumisan
Hindi na nakita, 'di na kinausap
Parang 'di na kilala, 'di na maalala na

[Chorus]
Aabutin mga bituin habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin para sa'ting dalawa
Hinding-hindi ka bibitiw kahit sa'n magpunta
Pero ngayon
[Hook]
Nasa'n na? Nasa'n na?
Sabi mo hindi ka bibitiw
Pero nasa'n na?

[Bridge]
At sa istorya na ito, ako'y malaya na
Magpapatuloy ang mundo
Kahit na mag-isa

[Hook]
Pero nasa'n na? Nasa'n na?
Sabi mo hindi ka bibitiw
Pero nasa'n na?
Nasa'n na? Nasa'n na?
Sabi mo hindi ka bibitiw
Pero nasa'n na?

[Outro]
Dito sa istorya