The Juans
Prom
[Verse 1]
Halika na, hawakan ang aking kamay
At sabay maglakbay, iwanan na
Kalimutan na ang mga problema
At sakit na 'yong nadarama

[Pre-Chorus]
Ohh, tatakbo, lalayo
Ohh, kasama mong tutungo

[Chorus]
Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin
Nagniningning ang mga bituin

[Verse 2]
Oh, kay sayang makita ang liwanag
Ng buwan sa iyong mga mata
Alam mo na iyong nadarama
Ang init na dulot ng ating pagmamahal

[Pre-Chorus]
Ohh, tatakbo, lalayo
Ohh, kasama mong tutungo
[Chorus]
Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin
Nagniningning ang mga bituin

[Bridge]
Woah-oh-ohh, woah-oh-ohh
Woah-oh-ohh, woah-oh-ohh
Woah-oh-ohh, woah-oh-ohh
Woah-oh-ohh, woah-oh-ohh

[Chorus]
Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin

[Outro]
Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap (Nagniningning ang mga bituin)
Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap