Just Hush
Red Planet
[Verse 1]
Oh, kaydaming dumadating sa'tin
Pagsubok at mga balakid
Dinadaan na lang sa panalangin
Baguhin ang ihip nang hangin
Sumabay sa bugso nang damdamin
Hanggang sa maabot natin ang langit

[Pre-Chorus]
Buti na lang nandiyan ka na
Hindi na muling mag-iisa
Samahan mo akong takasan ang mundo

[Chorus]
Halika na't sumama ka papalayo
Papalipad papunta sa ibang mundo
Kung saan walang problema at gulo
Tayo lamang dalawa

[Verse 2]
Mga oras ay dapat sulitin
Baka bukas wala na sa atin
Ang mga bagay sa'tin na mahalaga

[Pre-Chorus]
Buti na lang nandiyan ka na
Hindi na muling mag-iisa
Samahan mo akong takasan ang mundo
[Chorus]
Halika na't sumama ka papalayo (Halika na't sumama ka papalayo)
Papalipad papunta sa ibang mundo (Ibang mundo, ibang mundo)
Kung saan walang problema at gulo (Walang problema at gulo)
Tayo lamang dalawa