TJ Monterde
Dating Tayo
[Verse 1]
Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso

[Pre-Chorus]
Ilang liham na ang sinulat sa'yo?
Ilang luha na rin ang natuyo?

[Chorus]
Kailan kaya muling makakatawang?
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?

[Verse 2]
Kung anuman ang totoo
Isip man ay litong-lito
Handang-handa akong sumalo
'Pagkat ikaw pa rin, sigaw ng puso

[Pre-Chorus]
Ilang awit na ang inalay sa'yo?
Ilang luha na rin ang natuyo?
[Chorus]
Kailan kaya muling makakatawang?
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan? (Kailan?) Kailan?
Kailan ang dating—

[Outro]
Kailan kaya muling matatamasang?
Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan?
Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang alaala