Afro B
Nilalang
[Verse 1]
Tayo ay nilalang ng Diyos
Sa mundong maganda't maayos
Kawangis ng kanyang anyo
Natatangi, pantay-pantay tayo

[Chorus]
Nilalang na may nanlalamang
Ginagamit ang talino sa panlilinlang
Nilalang na may nanlalamang
Karapatan natin ay nila-"lang" lang

[Verse 2]
Tayo ay nilalang ng Diyos
May isip sa bawa't ikikilos
May damdamin, paggalang sa lumikha
May pusong pagmamahal sa kapwa

[Chorus]
Nilalang na may nanlalamang
Ginagamit ang talino sa panlilinlang
Nilalang na may nanlalamang
Karapatan natin ay nila-"lang" lang

[Guitar Solo]
[Verse 3]
Sila na nais maging Diyos
Sa mundong kasamaa'y 'di matapos
Prinsipyo nilang hindi makatao
Parang hayop, tayo'y inaabuso

[Chorus]
Nilalang na may nanlalamang
Ginagamit ang talino sa panlilinlang
Nilalang na may nanlalamang
Karapatan natin ay nila-"lang" lang