King Lil Jay
Duyan
[ Lil Jay - Verse 1 ]

Kahit bata pa ako, parang alam ko na lahat
Mga lihim na pagtingin na 'di ko maipagtapat
Nagiging masaya ako sa t'wing kasama na kita
At nalulungkot naman kapag hindi ka nakikita

Nag-aantay sa school na bumaba ka sa chikot
At sa ating tagpuan sana ika'y sumipot
Sabay natin kakainin mga dala nating baon
At sa'yong pag-uwi, gumamela aking pabaon

Simbolo ng pag-ibig kong 'di kayang bigkasin
Dahil natatakot ako baka tayo'y paglayuin
Pagsapit ng alas kwatro, dadalaw sa inyong bahay
Lalabas sa may kalsadang magkahawak ang kamay

Maglalaro ng habulan, patintero, tumbang preso
At kapag pagod ka na, ibibili kita ng Zesto
At doon iinumin sa ating tagpuan
Masayang nagkukulitan habang tayo'y nagduduyan

[ Chorus | Hensy ]

Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis
Kay tagal kong tiniis
[ Lil Jay - Verse 2 ]

'Di rin nagtagal, nalaman ng iyong magulang
Ang lihim na pagtingin na sila ang naging hadlang
Ilang araw, ilang linggo ka nilang 'di pinalabas
At minsan na iisip ko baka ito na ang wakas

Sa mura kong edad, lungkot aking naramdaman
At dahil bata pa ako walang alam na paraan
Umalis ka ng bansa at nilayo ka nang tuluyan
At ngayon sa'ting tagpuan, mag-isa na nagduduyan

[ Lil Ron - Verse 3 ]

At ngayong malaki na 'ko ramdam ko na ang lahat
Parang sa buhay ko'y may kulang at parang hindi sapat
Tadhana ba ito o talagang nakaplano?
Sa langit nakatingala, sa dadaan na eroplano

At nagbabakasakaling doon ka nakasakay
Dahil ako'y nandito lang at sa iyo'y nag-aantay
Na darating ang panahon, muli kitang masisilayan
Doon sa ating tagpuan na ikaw ay nagduduyan

[ Chorus | Hensy ]
Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis
Kay tagal kong tiniis


[ Lil Ron - Verse 4 ]

Lumipas na ilang taon, wala pa din akong balita
'Di ko na rin matiyak kung tayo'y muling magkikita
Lagi kong tinatanong kung pa'no ba at kung saan
Kung pa'no ba at kung saan kita matatagpuan

Ilang buwan, ilang taon na tiniis ko ang lungkot
Ilang buwan, ilang taon naramdaman ko ang poot
Ang makita kang muli na kay tagal kong hinangad
Kung may pakpak lang ako baka ako na'y lumipad

Patungo sa lugar kung sa'n ka man naroroon
Kakalimutan ang ngayon, babalikan ko ang noon
Dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon
Dahil maaga tayong pinaglaruan ng panahon

Hindi ko na alam kung sa'n pa ba 'ko lalagay
Ang lagi kong tanong hanggang kailan mag-aantay
Na darating ang panahon, sabay nating babalikan
Ang alaalang kay sayang hawak kamay na lang ba?

[ Chorus | Loraine ]

Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis
Kay tagal kong tiniis

Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis
Kay tagal kong tiniis