Daryl Ong
Torpe
O kay ganda ng bawat umagang lagi kang nakikita
Nang masilayan parang nasa ulap na
Bawat sulyap ng 'yong mata
Tila ako'y nanghihina
Ako'y suko na

Ngunit 'di mo alam ang aking nararamdaman
Akala mo'y tingin sayo'y pang-kaibigan lang
Pilit na lang tinatago sa takot na mabigo
Ngunit di matahimik ang puso

Bukas na lang (bukas kung kailan)
Bukas kung kailan ang puso'y may tapang
Para sabihin sa iyo ikaw lamang (ikaw lamang)
Ang s'yang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit… (ngunit)
Bukas na lang
(Bukas na lang)
(Bukas na lang)

Oh kailan ba? (kailan ba)
Kailan masasabi sayo'ng mahal kita (mahal na mahal na mahal)
Ngunit pag nalaman baka umiwas na (baka umiwas)
Tiyak na mundo'y magugunaw
Pag hindi ka matanaw
Oh pano na?

Ngunit di nga naman malalaman kung di susubukan (sabihin mo na)
Hanggang kailan na lang ba kita pagmamasdan (hanggang tingin)
Lagi na lang umuurong
Kahit nasa tamang pagkakataon
Bakit di ba magawa ngayon?

Bukas na lang (bukas kung kailan)
Bukas kung kailan ang puso'y may tapang (sige na lakasan ang loob)
Para sabihin sa iyo ikaw lamang (ikaw lamang)
Ang s'yang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit
Bukas na lang

Ooohhh
Bukas na lang (bukas kung kailan)
Bukas kung kailan ang puso'y may tapang
Para sabihin sa iyo ikaw lamang (ikaw lamang)
Ang s'yang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit
Bukas na lang