Over October
Ating Dalawa
[Verse 1]
Hahawakan ang iyong kamay
Kahit na minsa'y sumasablay
Iingatan ang iyong puso
Sasabay sa bawat niyang pulso

[Pre-Chorus]
Hindi na kailangan magduda
Aalagaan na kita
At sana 'di ka mangamba
Pwede ka nang magpahinga

[Chorus]
'Di ka nag-iisa, 'di ako mawawala
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
'Wag kang mag-alala, walang magagawa
Ang kahit sino sa ating dalawa
Ating dalawa, ating dalawa

[Verse 2]
Nakasimangot o nakangiti
Sa umaga kahit sa gabi
Kaligayahan at sa pighati
Ikaw pa rin sa bawat sandali

[Pre-Chorus]
Hindi na kailangan magduda
Aalagaan na kita
At sana 'di ka mangamba
Pwede ka nang magpahinga
[Chorus]
'Di ka nag-iisa, 'di ako mawawala
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
'Wag kang mag-alala, walang magagawa
Ang kahit sino sa ating dalawa
Ating dalawa, ating dalawa
'Di ka nag-iisa, 'di ako mawawala
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
'Wag kang mag-alala, walang magagawa
Ang kahit sino sa ating dalawa
Ating dalawa, ating dalawa, ating dalawa
Ating dalawa, ating dalawa, ating dalawa