Shirebound and Busking
Dalum at Hibas (Bulan)

[Verse]
'Sing liwanag ng umaga
Noong huli kitang makita
Tayo ba ay nagkasalisi
O ikaw ba ay nagkukubli

Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan

[Verse]
Ikaw ba ay nagtatampo
Tuwing panganod ay nagtatagpo
Bukas ng gabi, lalabas muli
Bakasakaling tanglaw mo'y dadampi

[Chorus]
O, Bulan
Ika'y inaawitan
Nagtatapang-tapangan dahil ika'y wala
Mayroon bang patutunguhan ang pagtingala

[Instrumental Break & Humming]

[Chorus]
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan
Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba
Mayroon bang hantungan ang pag-iisa
[Post-Chorus]
O, Bulan
Ako ba'y iyong iniwan?

[Bridge]
Gabi-gabing sa langit ay nakatingala
Nag-aabang ang awit didinig ay wala
Dilim ay tumatangis
Dinaramdam ay labis
Antok nilalabanan
Hinihintay ay nasaan?
Bulan

[Outro]
Ngayong nandyan ka na
Huwag nang lumisan pa
Bulan