Parokya Ni Edgar
Tungkol Sa’yo
[Verse 1]
Sa dinami-dami ng kinahinatnan
Para lang patunayan ang nararamdaman
'Di ka pa makuha ako'y nahihirapan na
Tigilan ang pag-alinlangan
Eto na't patutunayan

[Verse 2]
Kalagitnaan ng sinimulan
Ating pag-ibig sana'y walang hanggan
Sana'y eksakto ang napili mo
'Pagkat ikaw na rin naman ang napili ko
Ikaw na ang may-ari
Ng aking damdamin
Puso at isipan
Ikaw lang ang nilalaman
Walang ibang hahanapin pa
Habang buhay kitang mapapasaya

[Chorus]
Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

[Verse 3]
Mabuti pa kaya 'wag ka nang mag-alala
'Pagkat ika'y may pag-asa
Lutasin ang mga problema
Kung tayo magkasama
Ika'y aking tutulungan
'Wag nang mag-alinlangan
At ika'y naiintindihan
Tumahan (Lumaban)
Limutin ang nakaraan
At tanggalin (At tanggalin)
Ang iyong kalungkutan
Palitan ng kasiyahan
Gagawin lahat ng paraan
Aawitan pa kita ng
Paborito mong mga kanta
[Chorus]
Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

[Post-Chorus]
Ikaw lang ang aking tanging minamahal
(Tuwina ikaw ang aking dasal)
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
(Hinding-hindi kita masasaktan)

[Instrumental Break]

[Verse 1]
Sa dinami-dami ng kinahinatnan
Para lang patunayan ang nararamdaman
'Di ka pa makuha ako'y nahihirapan na
Tigilan ang pag-alinlangan
Eto na't patutunayan

[Verse 4]
Di ba't sinabi ko sayo
(Sa 'yo lamang ang puso ko)
Hanggang magunaw ang mundo
(Maaasahan mo ako)
Ikaw na ang may-ari
Ng aking damdamin
Puso at isipan
Ikaw lang ang nilalaman
Walang ibang hahanapin pa
Habang buhay kitang mapapasaya
[Chorus]
Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

[Post-Chorus]
Ikaw lang ang aking tanging minamahal
(Tuwina ikaw ang aking dasal)
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
(Hinding-hindi kita masasaktan)

[Post-Chorus]
Ikaw lang ang aking tanging minamahal
(Tuwina ikaw ang aking dasal)
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
(Hinding-hindi kita masasaktan)