Parokya Ni Edgar
Ulan
Nagsimula nang bumuhos ang ulan
Sa araw ng iyong kaarawan
Sinabi mo na ni minsa’y 'di ka pa
Nakaligo sa ulan

Niyaya kang lumabas at bumaba
Dun tayo maglalalaro oh
Nagulat nang napa-oo ka
'Di ko naman ito inakala

Tumakbo sa ulan
Mundo ko’y kinalimutan
Kamay mo’y hinawakan
At hindi nagkahiyaan

Pano? Pano na nga ba ito?
Hindi na nga ba ito biro
Umaasa lang ba ako? Oh! Oh!
Alab ng kinabukasan
Tuluyan nang napag-isipan
May tama na nga ba ako? Oh! Oh!

Tumila rin mga patak sa’yong pisngi
Kailangan nang bumalik at umuwi
'Pagkat ikaw ang hay nilalamig
Kailangan nang bumalik
Pag-akyat ng hagdan, huminto kalagitnaan
Sinubukang halikan ngunit 'di ko nakayanan

Pano? Pano na nga ba ito?
Hindi na nga ba ito biro
Umaasa lang ba ako? Oh! Oh!
Alab ng kinabukasan
Tuluyan nang napag-isipan
May tama na nga ba ako? Oh! Oh!

Pag-akyat ng hagdan, huminto kalagitnaan
Sinubukang halikan ngunit 'di ko nakayanan

Pano? Pano na nga ba ito?
Hindi na nga ba ito biro
Umaasa lang ba ako? Oh! Oh!
Alab ng kinabukasan
Tuluyan nang napag-isipan
May tama na nga ba ako? Oh! Oh!

May tama na nga ba ako?
Oh woh oh!
May tama na nga ba ako?
Oh woh oh!
May tama na nga ba ako?
Oh woh oh!
May tama na nga ba?