Parokya Ni Edgar
Gitara
[Verse 1]
Bakit pa kailangang magbihis?
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa t'wing tayo'y magkasama

[Verse 2]
Bakit pa kailangan ng rosas?
Kung marami namang mag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon

[Chorus]
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara

[Verse 3]
Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Nang lahat ng aking nadarama

[Chorus]
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara, oh-woah
Idadaan na lang

[Outro]
Sa gitara