Parokya Ni Edgar
Okatokat!
[Verse 1]
Hoy mga pare ko, anong nangyari dito?
Bakit biglang namutla ang mukha ko?
Nanginginig, tumindig ang balahibo
Gusto kong sumigaw
Gusto kong tumakbo palayo

[Verse 2]
Hoy! Mayro'n akong nakita
Isang babae na nagpapakita sa kusina tuwing gabi
Nye!? White Lady ang dating
Okatokat! Nakakapraning
Ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan
Mula sa likod bigla ko siyang sinunggaban
Ako'y napahiya no'ng nakilala ko kung sino
Si nanay lang naman pala, akala ko multo

[Chorus]
Tatay kong masungit (Okatokat)
Kaning mainit (Okatokat)
Syota kong magimick (Okatokat)
Punung-puno ng sabit

[Verse 3]
Mag-isa sa kwarto, ano ba naman ito
Sa gitna ng dilim, kabado na naman ako
Sa 'king paligid, mayro'ng nakatitig
Okatokat! Ako ay nanginginig
So ako ay tumahimik at ako'y kinabahan
Bumaba mula sa kama ko dahan-dahan
Sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan
Salamin lang pala, buti na lang
[Chorus]
Masamang panaginip (Okatokat)
Asong makulit (Okatokat)
Titser kong nakakabuwiset (Okatokat)
Na ubod pa ng pangit (Okatokat)

[Verse 4]
Lahat sa ating paligid ay kinakatakutan
Multo, engkanto at dayuhan
Mga pangyayaring hindi maintindihan
Kapag hindi maunawaan
Okatokat diyan
Okatokat diyan
Okatokat diyan
Sana ako naman ay tantanan
Ayoko ng ganyan
Okatokat diyan
Okatokat diyan
Ayoko ng ganyan
Okatokat diyan
Okatokat diyan