Parokya Ni Edgar
Eman
[Chorus]
Eman, ewan
Lasing na naman
Ang puso't isipan

[Verse 1]
Kapag may problema nandiyan lang si Eman
Maaasahan lalo na't 'pag may inuman
Kapag kay bigat na ng suliranin mo sa buhay
Sagot niya'y sa bote ng alak na lamang idaan

[Chorus]
Eman, ewan
Lasing na naman
Ang puso't isipan

[Verse 2]
Sa araw-araw, parating may toma
Sa lungkot at ligaya, hirap man o sa ginhawa
Sa gitna ng gulo at ng pagkabigo ay karamay
Sa pag-istambay at sa paglasap ng tagumpay

[Chorus]
Eman, ewan
Lasing na naman
Ang puso't isipan
[Instrumental Break]

[Bridge]
Ngunit ngayon siya naman ang may problema
Sa kakainom, ang atay niya ay may tama na
Ang aking payo dito sa kaibigan ko
Iwanan ang alak kumain na lang tayo

[Chorus]
Eman, ewan
Nagising na ang
Kanyang diwa't isipan
Eman, ewan
Sa inuman andiyan
Namumulutan na lamang