Parokya Ni Edgar
Gising Na
[Verse 1]
Gising na
Buksan ang iyong mga mata gising na
Halina at silipin ang pagdilat ng umaga
Tahimik at saksakan ng ganda
Gising na
Nandiyan na ang umaga gising na
Nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
At pungay ng iyong mga mata

[Verse 2]
Kanina pa kita pinagmamasdan
Kanina pa kita tahimik na binabantayan
Hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
Sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

[Verse 3]
Gising na
Buksan and iyong mga mata gising na
Mayro'n sana akong gustong sabihin sa iyo
Na 'di mapaliwanag ng husto
Gising na
Nandiyan na ang umaga gising na
Hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
Ang kasiyahan na nadarama
Tuwing nandiyan ka
[Verse 4]
Binabalak ko ng sabihin na minamahal kita
Kasabay na pagsipol ng wala na yatang igaganda pa
Nagsama ang ginaw at ang lamig ng araw
Ngunit dala ng kaba
Hindi ko yata kayang magsalita

[Verse 5]
Nakakainis isipin na 'di ko alam ang gagawin
Ngunit walang magagawa 'di pa kayang aminin
Ang pagkakataon ay dapat bang palampasin
'Di na lang kita gigisingin