Parokya Ni Edgar
Parang Ayoko Na Yata
[Verse 1]
Naubos na ang barya
Sa kakayosi at kakabasa
Ng magazines mong nakahilata diyan sa sala
Maggagabi na pala
Di ba't sinabi ko ala-una?
Mabuti na lang
Mabagal akong magbasa
Dumating ka na sana

[Verse 2]
Bakit 'di ka man lang nagbilin
Na may balak ka pala biglang mag-ice skating?
Kung 'di ka pa tinawagan
Maiisip mo kayang ako'y 'di bale na
Nakakasawa din pala
Kapag paulit-ulit
Ang buhos ng galit

[Verse 3]
Parang ayoko na yata
Nakakapagod din pala ang iyong mukha
At kung may balak ka pang ulitin sa 'kin 'yon
May ibubulong ako sa 'yo
Putang ina mo
[Instrumental Break]

[Refrain]
Bakit nagtitiyaga sa 'yo?
Ang dami-dami kong reklamo
Parang ayoko lang magsalita
Parang ayoko na yata

[Verse 4]
Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pa'no gagawin
Akala ko siguro na hindi ko kaya
At nung ika'y dumating
Mula sa yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi
"Napagod ka ba? Kumain ka muna."

[Verse 5]
Pagkat 'di ko kayang magalit
'Pag nakita na kita, tumatamis ang pait
Laging pinipilit
Na magsungit ngunit 'di bale na
Napapatawad na kita
Hindi na magagalit
'Wag lang ma-ulit
[Verse 6]
At nung tayo'y kakain na
Biglang sinabi mong may lakad kang iba
At kahit gusto sana kitang awayin na
Sinabi ko "Bahala ka. Basta mag-ingat ka."

[Refrain]
Bakit nagtitiyaga sa 'yo?
Ang dami-dami kong reklamo
Parang ayoko lang magsalita
Parang ayoko na yata

[Verse 7]
Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil, sobrang alam mong 'di ko kayang mawala ka
Maswerte ka't mahal kita
Ang malas talaga